CHAPTER 8

179 18 0
                                    

CHAPTER 8


Aviona POV

Nakaupo kami ngayon ni Mads sa isa sa mga stone benches at tables sa ground, nakadukdok ang ulo niya sa lamesa habang ako naman ay nagrereview para sa quiz mamaya para kahit papano ay may maisagot naman ako kahit na mahina ako sa math.


Napalingon ako kay Mads na nakapatong pa din ang ulo sa mesa habang nagsusulat ng kung ano ano sa sa papel, naalala ko nanaman yung nangyari nung isang araw. Matapos kasi nun ay hindi na nabanggit pa ni Mads ang tungkol dun parang ayaw niya na ulit marinig o maalala ang nangyari.


"Mads.." napatingin siya sakin na nakataas ang mga kilay. "Okay kana ba talaga? Yung nangyari nung—" nahinto aklo sa sasabihin nang itaas niya ang kamay niya na pinapahinto ako sa ano mang sasabihin ko.


"Okay na Av, let's forget what happened. Kinikilabutan ako pag naaalala yun." sabi niya saka pumikit at hinarap sa kabilang direksyon ang ulo niya.


Napabuntong hininga nalang ako, yung babaeng binuhusan ni Blaine ng isang timbang dugo, na dugo pala ng baboy ay wala na ngayon dito sa VSU, balibalita na nagtransfer na kaagad ito sa ibang eskwelahan matapos nang nangyari.


Nang sumapit ang oras ng unang klase namin ay agad kaming nag ayos ng gamit at pumasok na sa room, tulad ng nakasanayan sa bandang likod si Mads naupo. Ilang minuto lang ng makapasok kami sa room ang pagdating naman ng dalawang kaklase namin na siyang nagpatahimik ng buong kwarto.


Naupo sila sa kanilang mga upuan, napakagat ako ng labi ng maupo na si Xyler sa upuan sa tabi ko. Pasimple akong napalingon sa kanya at laking gulat ko ng nakatingin din ito sakin habang nakangiti kaya naman pinilit kong ngitian siya pabalik saka dalidaling tumingin sa harapan.
Nang dumating ang unang prof. ay agad ito nagsagawa ng pagsusulit. Napakamot ako ng ulo ng mahawakan ang papel na pinamigay ng guro na sasagutan, nang mabasa ko ang pinaka unang tanong ay sumakit na agad ang ulo ko sa nakita kong dami ng mga numbers, napalingon ako sa likod sa pwesto ni Mads, kunot ang noo nito habang nakatingin din sa papel niya. Pareho kaming mahina sa math.


Mga ilang minuto pa ay nilagpasan ko ang mga number na hindi ko kayang sagutan, yung mga alam ko lang ang sagot ang sinasagutan ko pero nang maubos na ang mga madadaling sagotan ay parang gusto ko na maiyak dahil malapit na matapos ang oras ng subject naming na to pero ang dami ko pang hindi nasasagutan.


"Bakit ba kasi ang hirap nito." bulong ko habang ipinangkakamot sa ulo ang dulo ng ballpeng hawak ko.


Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang nawala ang papel na nakapatong sa desk ko kaya naman agad ako napalingon kay Xyler, nasa ibabaw ng desk niya ang papel ko habang may isinusulat siya dito.


Napatingin ako sa prof sa harapan busy'ng busy ito sa papel na hawak na parang binabasa kaya napalingon ulit ako sa pwesto ni Xyler na patuloy pa rin sa pagsusulat sa papel ko na kinuha niya.


"H-hoy.. anong ginagawa mo? Akin na yung papel ko." mahinang sabi ko tama lang para kaming dalawa lang ang makarinig, napalingon siya sakin saka ngumiti, ibinalik niya sa desk ko ang papel kaya dali dali kong tinignan kung ano ang isinulat niya pero laking gulat ko ng makitang may mga sagot na ang mga numerong nilaktawan ko dahil hindi ko masagotan.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now