CHAPTER 26

256 17 13
                                    

Chapter 26

AUTHOR'S POV

Kalalabas lang ni Sennett sa isang stuff toys shop, huminto siya ang tinignan ang hawak na isang kulay pink na pig stuff toy na binili niya sa loob ng shop. Piniga niya ito at pasimpleng napangiti, naglakad na siya papunta sa kanyang motor na nakaparada lang sa tapat ng shop na iyon.


Ipinatong niya sa tangke ng motor ang stuff toy habang sinusuot niya ang kanyang helmet, sinimulan niya na din paandarin ang motor, malayo layo na ang binabyahe ni Sennett mula sa shop na pinanggalingan nang mapansin niya sa side mirror ng motor niya na may limang motor na sumusunod sa kanya, napapikit si Sennett na mapagtantong sinusundan talaga siya ng mga ito.

Imbes na papuntang VSU ay lumiko ng daan si Sennett, pagkaliko ay tumingin ulit siya sa side mirror at nakitang sinusundan pa din siya ng limang motor.


Inihinto ni Sennett ang kanyang motor sa lugar kung saan wala masyadong taong nagpupunta, tinanggal niya ang pagkakasuot ng helmet sa kanyang ulo at isinabit ito sa manibela ng kanyang motor, kinuha niya din ang stuff toy bago bumaba.


Isa isang huminto ang limang motor sa harap ni Sennett, mga nakangisi itong bumaba sa kanya kanyang motor na sinasakyan, napailing si Sennett nang maglakad palapit sa kanyang ang mga hinto at huminto sa kanyang harapan.


'Wrong timing'


"Kamusta? Natatandaan mo pa ba kame?" nakangising sabi ng isa sa limang lalaki na nakatayo sa kanyang harap. Hindi sumagot si Sennett sa sinabi ng lalaki kaya naman agad nag nainis ang lalaking nagsalita, sinenyasan niya ang mga kasama na sugurin na si Sennett.


Sabay sabay na sumugod kay Sennett ang apat na lalake, nakaiwas agad si Sennett sa mga atake ng mga iyon at pag nakakakuha ng tyempo ay tinatadyakan ang mga sikmura ng mga ito.


Dahil nasa apat ang atensyon ni Sennett hindi niya napansin ang pang limang lalaki nasumugod kaya naman natamaan siya ng suntok nito sa kanyang mukha, napaatras si Sennett dahil sa lakas ng suntok ng lalaki, kasunod noon ang pag unday nanaman ng suntok ng isa pang lalaki dahilan para mabitawan niya ang hawak na stuff toy.


Napatingin si Sennett sa stuff na iyon na nasa lupa na, nagtangis ang bagang niya nang makitang nabahidan na ito ng dumi, agad nanlisik ang mga mata ni Sennett at isa isang sinugod ang mga lalaki, sinigurado niyang makakaramdam ng sobrang sakit ang mga iyon sa bawat suntok at tadyak niya sa mga ito.


Hinihingal na nakatayo si Sennett habang nakatingin sa limang lalaki na nakabulagta na sa sahig, binaling niya ang tingin sa stuff toy na nasa lupa, lumapit siya dito saka ito pinulot. Pinagpagan niya ang bahagi ng stuff toy na nadungisan saka naglakad papunta sa nakaparada niyang motor.


Sumakay na siya doon saka sinuot at helmet napatingin pa siya muna sa relong na nakasuot sa kanyang pulso, mayroon pa naman siyang bente minuto bago matapos ang huling klase ni Aviona kaya naman hindi na siya nagtagal pa sa lugar na iyon at pinaharurot na ang motor paalis sa lugar.


Kalalabas lang ni Aviona sa gate ng university at dumaretso agad siya sa waiting sched na malapit para maghintay ng masasakyan, nagulat nalang siya nang biglang may cute na pink pig stuff toy ang lumitaw sa harapan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now