CHAPTER 7

180 18 0
                                    

CHAPTER 7


Aviona POV


Ilang beses na akong patingin tingin sa entrance ng cafeteria, napanguso nalang ako ng hindi makita ang hinihintay.


"Ang tagal naman niya, sabi niya sandali lang siya." inip na sabi ko, lunch break na namin at kanina pa ako naghihintay dito sa cafeteria kay Mads, ang sabi niya ay mauna na ko dahil pupunta lang siya sandali sa restroom pero hanggang ngayon ay wala pa.


Maghihintay pa ako ng ilang sandali baka nag ayos lang yun, matagal pa naman mag ayos ng sarili yun o kaya baka sumakit ang tyan niya.


Napabaling ako sa isang table malapit sakin na may mga istudyanteng kumakain, may lumapit sa kanilang isang babae na parang kakagaling lang sa pagtakbo.


"Guys, may malas na babae na naman na pinagtri-trip'an ang Monsters." rinig kong sabi ng babae sa kanina.


Bigla ay humataw ang kaba sa dibdib ko, lumingon pa ulit ako sa entrance ng cafeteria, umaasang makikita si Mads na papasok pero wala, tanging naglalabasan na mga istudyante ang nakikita ko.


"Tara guys, manuod tayo dali" napabaling ulit ako sa katabi kong lamesa, nagsitayuan na sila at nagmamadaling umalis. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ay palabas ng cafeteria.Napalunok ako saka dali daling kinuha ang bag ko saka naglakad papunta sa hallway kung saan nakatayo ang karamihan at parang may pinapanuod.


Nakipagsiksikan ako sa tumpok ng mga istudyante para makita ang tinitignan nila, nang tanawin ko ang ground ay napasinghap ako ng makita ang apat na mga nakaitim na lalaki na nakatayo sa harap ng isang babae na nakaluhod sa harap nila.


Hindi, hindi si Mads yun.


Pinakatitigan ko ang babae, nang umangat ang mukha ng babae ay umaagos ang luha nito sa kanyang mga mata, bigla ay parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi si Mads yun.


"Ha! Buti nga sa kanya, sobrang maldita kase."Napalingon ako sa dalawang babae sa gilid ko. Nakatingin din sila sa may ground.


"Bully kamo! Ayan tuloy kinarma siya."


May lumapit sa dalawa na isa pang babae, saka tumabi sa kanila at tumingin sa may ground."Oh! Is that Mitch the bitch?" Napalingon sa kanila ang dalawa at sabay na tumango.


"Yes, pinairal na naman ang kamalditahan."


"Eh? what happened?" Tanong ng babae na kararating lang.


"Naabutan ng Monsters na may binubully'ng babae si Mitch, siguro kilala nila yun lalo na si Blaine. Galit na galit."


"Who?"


"Yun oh." may tinuro ang babae sa isang banda mg ground hindi kalayuan sa apat na monster, napaawang ang bibig ko ng makita ang pamilyar na ribbon na suot ng babae na nakatayo sa tabi ni Caine, oo si Caine ng Monsters din.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now