Chapter 1

186 14 45
                                    



Maria Rafflesia's POV

Ito ang aming unang araw sa eskwela sa sekondarya bilang ika baitang-10. Ngayong taon ay gagraduate na ako sa Junior High School. Ako si Maria Rafflesia Buenaventura, labing-anim na taong anyos na ako.

"Magandang umaga mga Binibini at Ginoo. Ako'y nagagalak na makilala kayo", wika ng aming guro. Bilang panimula sa aming klase at unang araw namin ngayon, pagkatapos ng mahabang pagpapakilala ng aming guro, magpapakilala na rin kami isa-isa.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako nga pala si Maria Rafflesia Buenaventura, labing-anim na taon na ako,"pagpapakilala ko naman sa aking guro. 

Hindi naman din bago ang aking mga kaklase sapagkat apat na taon na din kaming magkaklase. Nang pag upo ko ay sakto naman ang pagdating ng aking kaibigan.

"Magandang umaga po Ma'am!" ani Zacharias.

 "Unang araw pero late ka agad, Mr. Santos tama ba ako?" nadidismayang sambit ng aming guro pero pinabayaan na lamang itong pumasok tutal unang araw pa lang naman.

Pumunta si Zacharias sa aking tabi sapagkat may bakanteng upuan pa dito.

Siya si Zacharias Santos na aking kababatang kaibigan, mula pa bata ay magkaibigan na kami. Baitang-8 kami ng mapagtanto ko na siya'y aking nagugustuhan na. Pero ito'y aking pinigilan sapagkat ito'y aking matalik na kaibigan at ayaw kong magbago ang turing niya sa akin at baka mag bago ang lahat.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa bahay? Iyan tuloy walang gumising sa akin kanina", aniya pa ng makaupo siya sa aking tabi. 

"Kasalanan ko pa ngayon? Responsibilidad mong gumising ng maaga kasi may klase," pagtataray ko naman sakanya.


 "Diba girlfriend kita?" sabi niya pa. Ramdam kong namula ang aking mga pisngi kaya di na ako tumigin sa kanya. 


"Tumigil ka nga diyan, makinig ka na lang sa guro natin. Baka madamay pa ako sa kaingayan mo diyan." At tumigil na siya sa kakadaldal.


Natapos na ang unang araw ng aming klase. Andito ako at naglalakad kasama si Zacharias pauwi sa aming bahay.

"Grabe naman! Unang araw pa lang andami na agad na takdang aralin sa atin." Pagrereklamo nitong kasama ko. 

Pang unang seksiyon kami kaya ayan andami na agad na takdang-aralin.


"Hindi ka pa nasanay eh pang apat na taon na natin tong pang unang seksiyon at laging madaming gawain", sabi ko naman sakanya.

"Sanay na. Pero kakapagod kayang maglakad", reklamo na naman niya.

"Eh kasi naman po meron ka namang kotse pero naglalakad ka." Sarkastikong sambit ko sakanya.

"Eh sa gusto kong maglakad. Tapos kapag ginamit ko ang kotse ko, makikisakay ka naman", pamimikon naman niya sa akin.

"Yaks! Kadiri ka! Hinding hindi ako sasakay sa kotse mo at baka matapos agad ang buhay ko. Dito na nga lang ako. Mauna na ako sa iyo. Bye. Mag-ingat sila sayo", pamimikon ko rin sa kaniya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay nakasalubong ko si Mama at nagmano ako sa kaniya. Nang maka bihis ako ng pambahay ay nag asikaso na ako sa kusina, nang mga ilang minuto naman ay siyang pag dating ni Papa. 

**

***

****

*****

    Thank you po sa pag babasa, as you can see, Buenaventura ang surname ng girl, di ko po yan sinasadya na kapareho ng ibang surname sa ibang story dito sa wattpad. 

I wrote this story last year January 😃

Meaning of True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon