Pagkatapos ang limang buwan...
Limang buwan na din ang nakalipas at puro pag-aaral, takdang-aralin, proyekto at marami pang aktibidad ang naganap sa eskwelahan.
Buwan ng Oktubre na at Buwan ngayon ng kasaysayan. Sa Biyernes na magaganap ang sayawan kung saan ang mga kababaihan ay magsusuot ng Pilipinyana at ang mga kalalakihan ay magsusuot ng Barong.
Andito kami ni Zacharias sa canteen, sabay na kumakain.
"Wala pa akong date", ani Zach.
"Andaming babae na pwedeng yayain para bukas. Tapos sa gwapo mong iyan walang tatanggi", sambit ko sakaniya.
"Wala pa akong napupusuan na babae eh", aniya.
"Eh si Priscilla, tiba may gusto iyon sa iyo? Tiyak na hindi yun aayaw sa iyo". Wala na siyang kinibo sa akin. Hindi ko alam kung ba't biglang natahimik to.
Zacharias' POV
Wala pa nga pala akong naaanyayahan para sa sayawan ngayong Biyernes. Sa totoo lang gusto ko sanang alukin itong si Rafflesia na siya na lang ang aking date sa Biyernes ngunit ako'y nahihiya.
May gusto ako kay Rafflesia noong bata pa lamang kami. Napaka ganda niyang babae, mabait at matalino pa. Sa kay tagal naming pagsasamahan, pitong-gulang pa lamang kami nang ipakilala siya sa akin ni Mommy galing Manila ay natipuhan ko na agad siya. Hindi ko pa siya noon lubusang kilala pero nasigurado kong may gusto na ako sa kaniya.
May natatangi siyang kagandahan na bihita mo lamang makita kahit kanino man.
Marami na rinang napag daanan naming dalawa ni Rafflesia sa 9- taon naming pagsasama bilang magkaibigan. Minsan pa nga ay naglaro kami ng kasal-kasalan, siya ang bride at ako naman ang groom.
Hindi ko maisip kung gaano kasaya ang paglalaro mamin hanggang sa lumalala pa ang pagkagusto ko sakaniya. Siya ang laging kong kasama kapag si Mommy at Daddy ay wala sa bahay, naiwan lang ako kasama si Yaya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi ang aking nararamdaman sa kaniya. Natatakot ako at baka mag-bago ang among turingan at maglaho ang lahat ng aming pinagsamahan.
Siguro, sa Huwebes ang tamang panahon para malaman niya na, na siya ang aking sinisinta at hindi si Priscilla. Habang wala pang ibang umaangkin sa aking Binibining Rafflesia.
Rafflesia's POV
"Oh anak, bukas na ang inyong sayawan ukol sa kasaysayan. Mamaya ay kukunin natin ang damit na nirenta natin", ani Mama.
"Oo nga anak, ipakilala mo sa amin ng iyong Mama ang lalaking aanyayahan ka para bukas", pagdugtong naman ni Papa sa sinabi ni Mama.
"Wala pa pong nagiimbita sa aking lalaki Mama at Papa", sabi konaman sa kania.
"Sa ganda mong iyan ay wala pa? Imposible naman ata iyan anak", nadidismayang sambit naman ni Mama.
"Baka po mamaya Mama may mag imbita na sa akin. Hahahaha". Hindi ko na alam ang maisasagot ko kila Mama. Wala pa naman kasing nag iimbita sa akin para sa sayawan bukas.
"Magandang umaga po Tito at Tita", sambit naman ni Zacharias pag dating sa bahay. Nagmano naman siya kila Mama at Papa.
"Heto na pala ang kaibigan mong si Zacharias. Ikaw Zach, may naanyayahan ka na bang babae para bukas sa sayawan niyo?" tanong naman ni Mama kay Zach.
"Wala pa po Tita eh", sagot naman ni Zach kay Mama.
"Oh parehas naman pala kayong wala pang date bukas, ba't hindi na lang kayo ang mag sama bukas?" Mama.
"Mama, may naanyayahan na yan si Zach, imposible namang wala. Oh sige na Ma, Pa punta na po kami sa eskwelahan." Pagpapa alam ko kila Mama.
"Sige. Mag-ingat kayong dalawa ah! Mag-aral ng mabuti", ani mama.
Habang naglalakad kami ni Zach papuntang eskwelahan ay biglang tumunog ang cellphone.
"Hello Rafflesia! Magandang umaga! Pwede bang magkita tayo mamaya sa Quadrangle sa oras ng breaktime?" -Nicholas
"Magandang umaga din Nicholas! Oo pwede ako mamaya. Bakit?" -ako
"Hmm, may sasabihin sana ako mamaya sayo at gusto ko sa personal ko sasabihin. Sige bye. Magkita na lang tayo mamaya." -Nicholas
Tinago ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko.
"Sino yun Raff?" tanong ni Zach.
"Ahh wala. Si Nicholas nag good morning lang."
"Ayiiieeee.. Nagte-text na pala kayo ni Nicholas ah. Ikaw ah dami mo na atang sekreto sa akin ah." Zach
"Nag bigay malisya ka na naman sa simpleng text. Nagseselos ka ba?"
"Hindi ah. At ba't naman ako magseselos? Girlfriend ba kita?" Zach
"Ahhsige. Hahahahaha. Mukha kasing nagseselos ka. Hayaan mo, di ko naman pagpapalit ang boy bestfriend ko mula ng bata pa."
BINABASA MO ANG
Meaning of True Love [COMPLETED]
NouvellesPagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamasa mo kahit kanino man. Pero paano kung ang pagmamahal na ito ay sa kaibigan mo lang pala matatagpuan...