Chapter 6

53 9 8
                                    

Makalipas ang dalawang taon (November 25)...

"Happy birthday Maria Rafflesia Buenaventura" Ani Zach

Sinorpresa niya ako dito sa paaralan. Grabe! May pabulaklak pa siya at may pa tsokolate pa siya. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Kahit pa ay nanliligaw pa lamang siya ay pa sorpresa na agad siyang nalalaman para sa akin. May pa love letter pa siya at binasa ko ito.

Mahal kong Rafflesia,

Labis ang aking galak na ika'y aking nakilala. Mula pa noon ay minahal na kita. Salamat kila Tito at Tita na pinayagan akong ligawan kita. Hinding hindi kita paiiyakin at ipagpapalit kahit kanino man. Alam mo iyan na lubos kitang minamahal. Sana ay magustuhan mo ang simpleng sorpresa ko sa iyo. Pinag handaan ko ito ng lubos. Hihintayin ko ang matamis mong oo sa akin at kapag ito'y aking nakamit hinding hindi na kita ipagpapalit. Maraming salamat sa lahat Binibining Rafflesia. Hayaan mo at kahit ano pang pag subok na ibigay sa akin ni Tito at Tita ay hindi ako susuko para sayo. Ipagpapatuloy ko ang paghaharana sa iyo gabi gabi at ang pag bigay sa iyo ng mga bagay na magpapaligaya ng lubos sa iyo. Ipag iigib Kita doon kahit doon pa sa may kanto para lang maka ligo ka kapag walang buhos ang inyong gripo. Hahahaha. Mahal na mahal kita. Hihintayin ko ng lubos ang matamis mong oo. Maligayang kaarawan ulit.

-Zacharias

Naiyak naman ako sa munting mensahe ni Zacharias. Simple ngunit arogante ito. Mahal ko na siya dati pa ngunit hindi kopa maibigay ang matamis kong oo sapagkat masyado pa kaming bata. Nasa isang classroom pa rin kami ni Zach sapagkat STEM na track ang kinuha naming parehas. 

"Maraming salamat Zacharias Santos. Hindi ko akalain na isusorpresa mo ulit ako ngayong kaarawan ko."

"Basta para sa iyo aking Prinsesa" Zach

"Grabe naman iyan Rafflesia! Hindi mo pa ba sasagutin si Zacharias? Higit dalawang taon na rin siyang nanliligaw sa iyo ngunit hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasagot." Ellie

"oo nga Rafflesia! Sagutin mon a si Zacharias." Dugtong naman ni Josh

Tinignan ko ang mga kaklase ko pati na rin ang iba pang kaibigan ni Zach na hindi naming kaklase. Ang saya saya nilang lahat. Napunta ang aking tingin kay Zach na nasa harapan ko na ngayon.

"Ano? Sinasagot mo na ba ako Binibining Rafflesia?" ani Zach

"dali na sagutin mon a Raff!" kilig na kilig na sambit ni Josh

"oo na. tayo na" hindi ko alam bigla na lang akong niyakap ni Zach. Nginitian ko na lang siya at pati na din kasabwat niya sa pagsosorpresa sa akin.

Zacharias' POV

"oo na. tayo na" mga salitang nagpasaya sa akin ngayong araw ng kaarawan ng aking prinsesa. Mas masaya pa nga ata ako kay Rafflesia. Hindi ko namalayan na nayakap ko siya bigla sa sobra kong saya. Bigla na lang akong bumitaw sa kaniya.

"Sorry Raff" sambit ko sakanya. Ngiti lang sinagot niya sa akin. Sa wakas akin na talaga ang aking prinsesang Rafflesia.

"Happy birthday ulit Rafflesia! Maraming salamat at sinagot mo na rin ako" sambit ko ulit sa kaniya.

Meaning of True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon