Chapter 7

48 9 2
                                        


Simbang gabi...

Rafflesia's POV

"Magandang hating umaga aking prinsesa, gumising ka na at magsisimba pa tayo", -Zach

Saktong sakto naman ang mensaheng padala ni Zach at kakagising ko pa lang. alas tres pa lang ng umaga pero gumising na ako. Unang simba ngayon sa Misa de Gallo. Ang dali ng panahon, pasko na naman at magiisang-buwan na rin pala kami ni Zach bilang magkasintahan.

"magandang umaga rin po aking Gwapong Ginoong Zach" – ako

"Sige. Maya't maya rin ay pupuntahan na kita diyan sa inyo. Mag bihis kana. I love you." –Zach

"I love you too" –ako

Pagkatapos ko siyang replayan ay nagkape na muna ako para hindi masyadong malamig kapag naligo ako. Pagkatapos ko namang magbihis ay ang saktong pag dating ni Zach. Saka kami'y nagpaalam kila Mama at Papa.


Habang nasa loob ng simbahan ay maigi akong nakikinig sa pari. Hindi ko lubos maisip na binigay ng Diyos ang isang napaka desenteng lalaki sa buong buhay ko at ito pang kaibigan ko mula noong bata pa. pinagkaloob na talaga atakaming dalawa nito. Ni hindi na magkahiwalay.

 Nagpapasalamat din ako dahil pinayagan ako nila Mama at Papa na mag-boyfriend basta ba'y hindi papabayaan ang aming pag-aaral. Hindi rin nagalit ang Mommy at Daddy ni Zach bagkus ay alam na rin pala nila noong una pa lang na gusto na ako ng anak nila ngunit pinigilan sila ni Zach na isabi sa akin dahil nakakahiya raw.

... ... ... ...

"Magandang umaga muli Rafflesia", Zach. Banggit sa akin ni Zach, tapos na din kasi ang misa. At heto kami ay naglalakd pauwi, hindi na rin niya dinala ang kotse para sulit na naman an gaming pag-uusapan.

"magandang umaga din. Hahahaha", sambit ko sa kaniya na tuwang-tuwa.

 "ang ganda ng gising mo parang ikaw", Zach.

 "bumabanat ka na naman agad ang aga pa", sabay ngiti ko sa kaniya. 

"bakit may oras ba ang pag banat? Hahaha. Nga pala madali na ang pasko. Anong plano niyo nila Tita? Kami kasi sa bahay na lang sabi ko kila Mommy para mapuntahan agad kita pagtapos ng aming salo salo."

"Sa bahay lang din kami. Hindi na kami masyadong gagastus kung saan man, ang mahalaga buo ang pamilya namin. Hahahaha."

"Nga pala madali na ang ating monthsary at saktong sa pasko pa", Zach.

 "oo nga eh. Hahahaha ang dali talaga ng panahon. Naisip mo yun? Andami na nating napag samahan mula ng bata tapos tayo din pala ang magkakatuluyan." Sambit ko kay Zach na nginitian na lang ako.


Mula noong Desyembre 16, ay gumigising kami ng alas-tres ng mag-uumaga para mag-simba. 

Kami ang laging magkasama. Natutuwa ako dahil naka sentro sa Diyos ang aming pas-sasamahan. Hindi niya ako binigo sa pag-sagot sa kaniya ng oo.

Meaning of True Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon