Kinaumagahan, ang panliligaw ni Zach...
"Rafflesia, salamat ulit. Sana ay pumayag kang ligawan kita. Matulog ka na ata alam kong ika'y napagod. Hindi na kita ulit napuntahan sorry. Good night aking Munting Rafflesia" -Zach
"Good morning Rafflesia. Gumising kana at mag almusal. Huwag kakalimutang mag almusal dahil mamahalin pa kita at pupuntahan din kita pagkatapos kong mag ayos dito."-Zach
Pagkabasang pagkabasa ko ng mensahe ni Zach ay natuwa ako. Napaka sweet talaga niya.
"Tito, Tita pwede ko po bang ligawan si Rafflesia?" ani Zach na nasa aking tabi
"Sigurado ka ba diyan Zach?" Mama
"Opo Tita, hinding hindi ko po siya papaiyakin at pababayaan. Siya'y aking mamahalin ng lubusan. Sana po ay payagan niyo ako" Zach
"May tiwala na din naman ako sa iyo Zach basta ba ay huwag na huwag kong makikita ang aking anak na umiiyak ng dahil sa iyo" Papa
At ayun nga labis ang ngiti ni Zach ng payagan siya ni mama at papa na ako'y ligawan.
Mula nang araw na iyon , pagkatapos ng aming Sayawan sa Kasaysayan ay niligawan na ako ni Zacharias. Lagi niya pa rin akong hinahatid tulad ng kasunduan nila ni Mama at Papa.
Wala namang nagbago, parang magkaibigan pa rin naman ang aming samahan ngunit dumagdag lang ng kasweetan itong si Zach.
Mga isang Linggo din ay nalaman na ng aming kaklase na siya ay nanliligaw sa aming kaklase.
![](https://img.wattpad.com/cover/176109683-288-k797413.jpg)
BINABASA MO ANG
Meaning of True Love [COMPLETED]
Short StoryPagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamasa mo kahit kanino man. Pero paano kung ang pagmamahal na ito ay sa kaibigan mo lang pala matatagpuan...