Graduation day...
Rafflesia's POV
"congrats Rafflesia!" pagsasalubong sa akin ni Zack pagkatapos ng aming seremonya. Graduate na din kami sa wakas at sa susunod na pasukan ay kolehiyo na kami parehas. Iba ang kukinin niyang kurso sa akin.
"Congrats din Ginoong Zach!" sambit ko rin sa kaniya
"sabi nga pala sa akin ni Mommy nadistino si Daddy sa Manila at maaaring dun na din kami manirahan muli. Nag pass na din si Mommy n requirements dun sa University na papasukan ko. Tiba napag usapan naman natin ito?" Zach
"di ba pwedeng dito ka na lang mag-aral? May University naman dito na pwede mong pasukan?" Medyo malungkot na sambit ko sa kanya
"Hindi na eh. Napag desisyunan na din ito nila Mommy at Daddy at di na ako pwedeng sumuway pa sa kanila, tapos..." Zach
Naputol ang aming usapan dahil tinawag ako ni Mama at Papa.
"Ohh anak, andiyan ka lang pala. Congrats sa inyong dalawa!" Mama
"salamat po Tita at Tita", Zach.
Dumating din ang Mommy at Daddy ni Zach at nag congrats din sa akin.
"tara na mga anak! Umuwi na tayo. Sumabay na kayo sa amin Ellen sa kotse para hindi na kayo mag lakad pa." Daddy ni Zach
"sige mare. Salamat." Mama
Habang nasa kotse kami nila Zach hindi ko mapigilang matuwa sabay ng aking kalungkutan na magkakahiwalay kami ni Zach ngayong kolehiyo.
Mahigit apat na taon din siya ronon sa Manila. May pangamba sa aking isipan nab aka maraming chiks doon at mabighani siya. Na sa sobrang pag iisip hindi ko namalayan na andito nap ala kami sa aming bahay.
"Bye Rafflesia, pupunta na lang ako sa inyo mamaya pagkatapos naming mag salo-salo rin", Zach.
Nginitian ko na lang siya bilang pagsasang-ayon sa kaniya.
Ngayon, graduate na kami sa sekondarya, napaka saya. Napaka saya sapagkat tapos na din sa wakas ang isang kalbaryong hindi ko makakalimutan.
Maraming kalungkutan, kasiyahan ang naganap at sa susunod na kabanata ng aming pag-aaral ay kolehiyo at kaming dalawa ay magkakahiwalay
Sa susunod na rin na buwan ang kaniyang alis papuntang Manila.

BINABASA MO ANG
Meaning of True Love [COMPLETED]
Short StoryPagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamasa mo kahit kanino man. Pero paano kung ang pagmamahal na ito ay sa kaibigan mo lang pala matatagpuan...