Ang pag-hihiwalay...
Zacharias' POV
"hello? Bakit ngayon mo pa lang sinasagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag ngunit di mo sinasagot! May problema ba sa ating dalawa? Bakit parang lagi na lang ganito, mag-iisang linggo na tayong ganito Rafflesia!" napasigaw na ako sa galit. Kanina pa ako tumatawag sa kaniya ngunit hindi sinasagot ni Rafflesia.
Second anniversary naming ngayon at gusto ko sana syang maka usap ng matagal ngunit madali na naman akong pumasok at kakasagot niya pa lamang.
Nang may narinig akong lalaking boses sa kabilang linya parang kausap niya ito.
"uhmm hello Zach. Pasensya na ngayon ko pa lang sinasagot ang tawag mo. Busy kasi ako dito. Ang daming proyekto sa amin" Rafflesia
"Maraming proyekto o maraming gwapong lalaki ang nandiyan? Tandaan mo Rafflesia bago tayo magkahiwalay nangako ka sa akin na hindi ka titingin kahit kanino mang lalaki na masasalamuha mo diyan sa unibersidad." Pagpapa alala ko sa kaniya na may kaunting galit.
"wala akong ibang lalaki Zach! Kung ganiyan lang naman ang tingin mo sa akin na maghahanap ng lalaking makakasama dito ay noon pa lang ginawa ko na. Zach, Second Anniversary natin ngayon ngunit parang mapupunta laman ito sa break-up. Hindi mo ba alam na labis ang pag-alala ko sa iyo diyan?" Rafflesia.
"ah! Break-up? Gusto mo ng break-up sa ating dalawa? Sige mag break na tayo total marami naman atang gwapong lalaki ang nandiyan na mapapalit mo sa akin. Pero tandaan mo ulit Raff na wala ka nang mahahanap pang iba katulad ng sa akin. Mahal na mahal kita pero parang wala na itong saysay lalo na ngayo'y tayo ay magkahiwalay. "
Pagkatapos ng aming pag-aaway na natuloy sa aming paghiwalay ay pinutol ko na agad ang tawag.
Siguro nga tama ang desisyon naming dalawa.
Pero masisiguro kong magpapadala pa rin ako ng sulat sa kaniya at hindi ko siya papalitan. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon, magka hiwalay kaming dalawa.
At ang mas masakit pa doon ay wala na kaming dalawa.
Rafflesia's POV
Hindi ko lubos maisip na nakipag break sa akin si Zach sa simpleng hindi ko sa kaniya masyadong pakikipag usap ngayong linggo.
Andami kasi naming proyekto at dapat ay maipass agad naming sa Proffesor namin na napaka-estrikto. Siguro sawa na din siya sa akin, hindi niya ako agad maintindihan.
Sinubukan kong tawagan siya at hindi niya na ito sinasagot. Napuno na ang kaniyang pasensya sa akin. Anniversary namin ngayon at napunta lamang sa hiwalayan.
"okay lang 'yan Raff. Hayaan mo na siya, siguro pagod rin siya sa eskwelahan, parehas sayo", Nicholas. Oo nga pala kaklase ko si Nicholas, Engineer din ang kursong kinuha niya kapareho ko. Nginitian kona lang siya bilang sagot at ngiti rin ang sinagot niya.
...
"oh anak! Mukhang napaka lungkot ng itsura mo ah, may nangyari bang masama? Kumain kana muna." Mama.
Niyakap ko bigla si Mama habang naghahain ng pagkain, wala pa si Papa, nag-overtime sa trabaho kaya kami lang na dalawa.
"Mama, hiwalay na po kami Zach." Doon ko nabuhos ang luha ko kay Mama.
Nilabas ko ang lahat ng hinanakit ko kay Mama. Iyak ako ng iyak kay Mama.
Kinwento ko kay Mama ang nangyari kaninang pagsisigawan naming ni Zach sa Telepono.
"Okay lang iyan anak, tiyak na pagod lang yun sa eskwela si Zach kaya nasabi niya ang lahat ng iyon", Mama.
"pero mama nakipag hiwalay na siya, siya ang nag sabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makontak sa numero niya", sabi ko kay Mama habang umiiyak pa rin.
Natapos na ang lahat sa amin ni Zach, pagkatapos ng dalawang taon, natapos na.
Wala na.
Hindi na maibabalik pa ang dating kahapon na aming masayang mga araw na magkasama. Nasa higaan ako at matutulog na ngunit hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip sa kaniya.
Ang huling pasko ng aming pagsasama.
Noong aking kaarawan na sinorpresa niya ako sa classroom.
Ang sayaw sa kasaysayan na naganap sa aming paaralan na siya ang ikalawang lalaking sumayaw sa akin.
Ang pag tawag sa akin ng Prinsesa na si siya at si Papa lang ang tumatawag sa akin, ngunit ngayon si Papa na lang.
ang masasayang paglalakad naming ng sabay papuntang paaralan.
Ang mga kantyaw niya sa akin.
Ang kapilyuhan niya.
Wala na.
Wala ng hihigit pa sa aming magagandang pagsasamahan na ngayon ay wala na.
Muli na naman akong umiyak, nang hindi ko namalayan ay natulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
Meaning of True Love [COMPLETED]
Historia CortaPagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamasa mo kahit kanino man. Pero paano kung ang pagmamahal na ito ay sa kaibigan mo lang pala matatagpuan...