Pagtatapos...
Rafflesia's POV
Si Zach ang una't huling nagparamdam sa akin na ako'y babaeng hindi dapat ipagsantabi. Siya ang nagturo sa akin na magmahal. Binigyan ko siya ng second chance pagkatapos naming mag-usap pagkarating niya dito galing Manila. Pinasaya niya muli ako. Bumalik ako sa dating ako na masiyahin. Binalik niyang muli ang sigla ng aking buhay. Siya at siya lang aking minahal. Ang aking gwapong Ginoong Zacharias Santos. He taught me the meaning of real love and now I admire the whole him. Kahit na kami ay magkahiwalay, ngayon kami pa rin. Binigay siya sa akin ng may kapal, ang Diyos at lubos ang pasasalamat ko sa itaas sapagkat binigyan niya ako ng lalaking magmamahal sa akin ng tunay. Mga masasayang alaala na hanggang ngayon ay nadagdagan pa. ngayon ko masasabi na kapag ang lalaki magmahal ng tunay ay lubos kang babalikan kahit na ano man ang manyari. Ipagkakaloob pa rin talaga kayo sa isa't isa. Oo pwede pang bigyan ng second chance kung ito'y nasa tama. At tama nga ang desisyon kong bigyan siya noon, si Zacharias. Ang lalaking nagturo sa akin at ang lubos na binigay sa akin ang tunay na halaga ng pagmamahal...
BINABASA MO ANG
Meaning of True Love [COMPLETED]
Short StoryPagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamasa mo kahit kanino man. Pero paano kung ang pagmamahal na ito ay sa kaibigan mo lang pala matatagpuan...