Chapter 4

60 8 7
                                    


Sa paaralan...

Habang nasa loob kami ng sayawan, hindi ko mapigilang ngumiti sapagkat andaming magkasintahan na nagsi-sweet dance.

 Nanghihinayang ako, ang first dance ko ay hindi napunta kay Zach. Pero okay lang, sigurado namang masaya siya ngayon kapiling si Priscilla.

Natapos ang unang tugtog at umupo muna kami. "Napagod ka ba?" tanong ni Nicholas. 

"Hindi, sumayaw lang naman tayo eh." Sabi ko naman sakaniya

"Sige, iwan na muna kita dito, bibili na muna ako ng makakain natin na biskwet." Nicholas

Pero bago pa siya  nakaka alis, dumating si Zacharias at tinanong siya kung pwede ba ako nito maisayaw. "Sige na pare, bibili lang ako ng makakain." Nicholas.

 "Salamat pare."

Pagkatapos nilang mag usap, pumunta na ng tuluyan sa akin si Zach. 

Inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan at binigay ko naman ang aking palad sa kaniya at saka ako tumayong muli para kami'y mag sayaw.

"Maraming salamat magandang Binibining Maria Rafflesia Buenaventura sa pagpaunlak sa akin na ikaw ay aking maisayaw", ani Zach

"Parang tanga naman ito. Ang daming alam. Akala mo nama'y hindi mo ako inaaway dati pati na ngayon. Maraming salamat din napaka gwapong Ginoong Zacharias Santos."

 Ngayon ko lang napansin ang tunay na kagwapuhan ni Zach sa suot niyang Barong.

"Walang biro ang ganda mo talaga sa suot mo ngayon", dagdag niya pa

"At umiral na naman ang pagka bolero mo."


"Hindi kita niloloko. Seryoso ako doon." Naging seryoso nga ang kaniyang mukha at ramdam ko ring namula ang aking mga pisnge. Binago ko na lang ang pinag-uusapan namin. 

Tinanong ko siya kung sino ang ka date niya.

"Si Priscilla ang nayaya ko. May nauna na kasi sayong magyaya. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Nicholas na maisayaw ka"

"Huh? Sabi ko naman sa iyo eh, Hindi yun aayaw pag niyaya mo. Eh bat andito ka, nasaan siya?"

"Niyaya din ng nagkaka gusto sa kaniya." Zach

"Kaya pala napunta ka dito."

"May ipagtatapat ako sa iyo Rafflesia." Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha . Di ko alam kung bakit pero parang kinabahan ako bigla.

 Tumango na lamang ako bilang sagot ko sa kaniya.

"May gusto ako sa iyo Maria Rafflesia Buenaventura, aking kababata. Bata pa lamang ay nagustuhan na kita. Huwag mo sanag pagsamain at umiwas sa akin. Mahal na kita noon pa pero ngayon lang ako binigyan ng lakas ng loob para maisabi ang lahat ng ito." Ani Zach.

Hindi ko alam ang maisasagot sa kaniya. Animo'y parang may kung ano sa bibig ko at hindi ako makapag salita,

"Pwede ba akong manligaw sa iyo?" tanong ni Zach. Hindi ko na nasagot ang kanyang tanong sapagkat huminto na ang musika at may mahalaganag anunsiyo ang isa sa aming mga guro. Umalis kami sa gitna ng sayawan pati na rin ang iba.

 Hinatid ako ni Zach sa pwesto kung nasaan si Nicholas na naka upo.

"Mauna na ako Rafflesia. Maraming salamat ulit Nicholas" ani Zach

Nginitian ko na lang siya at umalis na. Nang matapos ang mahalagang anunsiyo ng aming guro ay bumalik ang musika at bago kami sumayaw ulit ay kumain na muna kami ni Nicholas.

"Maraming salamat Rafflesia sa pagpayag sa akin na ikaw ay aking maisayaw. Labis ang aking galak."ani Nicholas

"Maraming salamat din sa pag hatid sa akin dito sa bahay. Hindi ka na ba tutuloy para magkape man lang?"

"Hindi na. Gabi na din kasi eh. Maraming salamat talaga. Good night." Nicholas

Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan at umalis na din.

Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga salitang binitawan kanina ni Zacharias.

May gusto din pala siya sa akin pero kahit kailan ay hindi ko ito napansin. Nihimdi ko nga kanina nasabi na may gusto din ako sakanya. 

Pagkatapos ng aking pag iisip sa nangyari kanina ay nagbihis na ako at natulog na din.    

Meaning of True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon