Chapter 11: Last Chapter

63 9 4
                                    


Ang pagbabalik ni Zacharias sa probinsiya makalipas ang Dalawang taon...

Zacharias' POV

Ngayon tapos na ako sa kolehiyo at siguradong tapos na rin si Raffleisa. Bukas ng umaga rin ang flight ko pabalik ng probinsiya.

 Sinabi ko na rin ito kay Mommy at Daddy na babalikan ko pa si Rafflesia. pagkatapos ng aming paghihiwalayan, dalawang taon ang nakalilipas ay hindi ko pa rin siya nakalimutan. 

Mali pala ang napag desisyunan kong sirain ang simcard ko dulot ng aming paghihiwalayan. Hindi ko na siya nakausap mula noon sapagkat hindi na rin binigay nila Ellie ang kontak ni Rafflesia, labis raw ang kalungkutan noon ni Rafflesia pagkatpos ng aming hiwalayan.

... ... ... ... ...

"ate pabili po tatlong kandila", sabay pag-abot ng aking bayad sa tinder. 

Nasa tindahan ako ngayon, nasa probinsiya na ako. Pagkaabot sa akin ng Ale ng kandila ay pumasok na ako sa simbahan.

 Ito ang unang pinuntahan naming ni Rafflesia nung sinagot niya ako sa mismong kaarawan niya. Pagkatapos ng eskwela naming dito ko siya dinala noong araw na iyon. Abril-25 na pala ngayon, naalala ko, 25 rin pala ang aming monthsary.

 Pagkatapos ng misa ay may nakita akong isang babae na napaka pamilyar sa akin. Nilapitan ko ito.


Rafflesia's POV

Nang palabas kaming simbahan nila Mama at Papa ay may biglang tumawag sa akin mula sa likuran.

"Maria Rafflesia Buenaventura?" natigil ako. Parang tumigil ang buong paligid ko ng Makita ko siyang muli pagkatapos ng dalawang taon. 

Hinding hindi ko malilimutan ang kaniyang itsura kahit pa parang ang daming pinagbago niya mula sa pananamit niya noon at ngayon. Mas lalong gwapo siya ngayon.

Nagmano siya kila Mama at Papa. Hindi siya nagbago sa pag-uugali, magalang pa rin katulad ng dati. 

Ang ugali niyang mas minahal ko pa bukod sa gwapo siya.


"Oh Zacharias! Dumating ka na pala galling Manila. Kamusta ka na?" sabi ni Mama kay Zach na parang walang nangyari. Andito ako sa gilid at hindi kumikibo kay Zach, pinapakinggan lang silang naguusap nila Mama at Papa. 

Sabay- sabay kaming sumakay sa kotse ni Papa, nakabili na kami ng sarili naming kotse dahil tumaas ang sahod ni Papa at dahil na rin sa pagsusumikap ni Papa.

 Pinasama ni Mama si Zach sa amin dahil wala raw itong kasama at pinatuloy na muna sa bahay namin.


"Kamusta ka na Raff?" ani Zach. Anidto ako sa may bakuran naming ng hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Zach. 

"Okay lang naman ako, heto tapos na sa kolehiyo at naghahanap na ng trabaho", hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. 

"mas lalong gumanda ka ngayon Raff at siguradong may jowa kana, hindi ba?"

"wala akong jowa simula ng maghiwalay tayo". Sabi ko naman sa kaniya na parang nagulat siya.

 "Talaga ba? Eh si Nicholas diba kaklase mo siya at dating nagkakagusto iyon sa iyo?" Zach

"Hindi niya ako niligiwan bagkus ay si Ellie ang girlfriend niya ngayon"


"ahh ganun ba? Rafflesia pasensya na, aking sinisinta sa pagduda ko noon sa iyo noong dalawang taon ang nakakalipas. Pasensya at hindi na kita noon kinausap. Pero may pinapadala akong mga sulat sa iyo lagi. Natanggap mo ba ang mga iyon?" Zach

"Wala akong natanggap na kahit ano sa iyo Zacharias" sabi ko naman sa kaniya na diretso ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Rafflesia, aking Prinsesa't sinisinta. Wala akong ibang inibig doon sa Manila kundi ikaw lang. hindi kita nakaimutan kahit kalian. Sinira ko noon ang simcad na gamit ko para hindi makausap pero sinikap kong hingiin ulit ang numero mo kay Ellie pero hindi niya binigay para hindi kana raw muling masaktan. Kinulit ko siya pero ayaw niya talaga ibigay. Pasensya na talaga. Sana mapatawad mo akong muli. Bumalik ako ditto para pormal kitang makausap, Maria Rafflesia Buenaventura. Pwede ba akong muling manligaw sa iyo tutal wala ka pa namang jowa at magsimula tayo sa una? Pwede ba muli?" Zach

Pinunasan ko ang luha ko.

 Napaluha ako sa mga sinabi niya. 

Buong buhay ko siya lang inibig ko at wala ng iba. Mula ng magkahiwalay kami ng landas hindi ko na siya nakontak. Binalewala ko ang mga lalaking nanliligaw sa akin mula ng mag break kami, nagbabakasali na tuparin niya ang sinasabi niyang babalikan niya ako at andito siya ngayon sa tabi ko at tinupad nga niya ang kaniyang mga testimonya na mamahalin niya ako habang buhay.

"Mahal na mahal pa rin kita Rafflesia, aking Prinsesa" Zach at sabay ng kaniyang pag yakap sa akin. 

Niyakap ko rin siya pabalik.

Meaning of True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon