Chapter 3

68 12 6
                                        


Zacharias' POV

"Nakita niyo ba si Rafflesia?" tanong konsa mga kaklase ko, kakarating ko pa lang kasi sa classroom galing sa canteen. 

"Lumabas, pupunta daw siyang Quadrangle." Sambit ni Ellie, isa sa aming kaklaseng babae at lagi ring kasama ni Rafflesia. "Zacharias ah. Mukhang di mapigil ang sarili na hindi hanapin si Rafflesia" pagkakantsaw naman ni Ellie. 

Hindi ko na siya sinagot kasi alam ko namang paglalaruan niya na naman ako kasama pa ng iba naming kaklase.

 Matagal nang alam ni Ellie na may gusto ako kay Rafflesia, isasabi niya sana ito kay Rafflesia ngunit pinigilan ko siya sapagkat dapat ako ang magsasabi ng personal kay Rafflesia. Mabuti naman at hindi niya ito pinagkalat. Mabait din kasi si Ellie at mapagkakatiwalaan.

Pinuntahan ko si Rafflesia sa Quadrangle pero hinddi ko natuloy ang lapitan siya sapagkat kausap niya si Nicholas, ang matagal ng may gusto rin kay Rafflesia ngunit hindi naniniwala si Rafflesia sapagkat si Nicholas ay kilala dito sa paaralan namin at maraming nagkakagustong babae sa kanya. Pinakinggan ko na lang ang usapan nila at lalapit na lang ako kapag wala na si Nicholas.

"Pwede bang ikaw na lang ang i-date ko bukas Binibining Maria Rafflesia Buenaventura?" Nicholas

"Hmm.. Pwede naman. Wala pa namang nagyaya sa akin eh." Sagot naman ni Rafflesia na parang nahihiya pa.

Umalis na ako at para hindi na ako masyadong masaktan. 

Wala na.

 Hindi ko na siya maiimbtahan pa sapagkat naunahan na naman ako. May nauna na naman sa akin. 

Habang naglalakad, nahagilap ng aking mga mata si Priscilla, ang hamak na babae na may gusto rin sa akin pero hindi ko pinapansin dahil gusto ko nga ay si Rafflesia. Tumabi ako sa kinauupuan niya, halatang nahiya pa siya sa akin.

"May idi-date kana ba bukas?" Priscilla

"Wala pa nga eh. Pwede bang ikaw na lang?" tanong ko sa kaniya na nagpakilig sa kaniya.

"Sige. Pero paano si Rafflesia?"

"May naunang nagyaya sa kaniya, si Nicholas."

"Ahh ganun ba? Kaya pala mukhang malungkot ka. Tara pumunta na lang tayong canteen. Gutom lang iyan. Libre kona." Priscilla

"Sige. Tara . Salamat Priscilla.''

Rafflesia's POV

Niyaya ako ni Nicholas para bukas. Hindi na ako nakatanggi sapagkat nakakahiya naman. Pero mas gugustuhin ko kung si Zacharias ang mag iimbita sa akin. Pero mukhang malabo na, kasi kasama niya kanina si Priscilla sa canteen at masayang nagke-kwentuhan.

Zacharias' POV

"Magandang gabi po!" paggalang ko sa Mommy ni Priscilla ng pagbuksan niya ako ng pintuan.

"Anak, Priscilla, andito na si Zacharias, ang kaklase mo." Nanay Ella. 


Mga ilang minuto ay bumaba na si Priscilla kasama ang mga baklang nag make-up sa kanya.

 Maganda siya pero tiyak na mas maganda si Rafflesia sa kaniya.


Rafflesia's POV

"Oh andiyan kana pala Nicholas. Sorry, nagpa ayos pa kasi ako sa inarkila ni Mamang magmi-make up sa akin." Sambit ko kay Nicholas na binigyan naman ako ng pulang rosas. Inamoy ko ito at napaka bango. 

Walang duda, ang gwapo niya at halatang mamahalin din ang damit.

"Mama, Papa, punta na po kami ni Nicholas." Pagpapa alam ko sa aking mga magulang.

"Sige anak. Paki ingatan mo Nicholas ang aming munting Prinsexa dito sa bahat. Ingat sa pagmamaneho Nicholas." Sambit ni papa.

 "Papa naman oh. Sige Bye." Nahihiyang sambit ko sa sinabi ni Papa.

"Ang ganda mo Maria Rafflesia Buenaventura." Ani Nicholas

"Salamat pati na dito sa pulang rosas, ikaw rin ang gwapo mo sa suot mong barong. Pilipinong pilipino ang dating."

Pinag buksan niya ako ng pintuan sa kanyang kotse at saka ako'y pumasok na.

Meaning of True Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon