Dali-daling pinuntahan ni Fredrick si Lucille sa kanyang kuwarto. Nakita nito si Lucille na nakababad sa tub. Nagtataka siya kung bakit hindi ito kumikilos kaya nilapitan niya ito.
"Lucille, okay ka lang ba?"
"A-a-ang la-la-lamig n-ng t-tubig." Nanginginig na sagot ni Lucille.
"Hold on. Let me help you." Kinarga niya si Lucille patungo sa kama at pinaupo niya ito. Kumuha kaagad si Fredrick ng towel at kinumutan niya si Lucille.
"Bakit ganon ang tubig ninyo?"
"Lucille dalawa ang knob ng bath tub. Isa para sa lamig at yung isa para sa init."
"Ngayon lang ako nakakita ng ganun."
"I will show you how to use it."
Itinuro nga niya ito kay Lucille at natuto naman ito. Sinabihan niya rin na mag-iingat sa tub dahil baka madulas ito. Papalabas palang siya ng kuwarto ay narinig niya ang kanyang cellphone.
"Yes?"
"Sir. I'm just reminding you of your meeting for Monday. Nagalit po yung client kase hindi po kayo sumipot sa session." Sabi ni Trish.
"I completely forgot. It's okay, I will take care of it this Monday. Have a good weekend Trish.
"You too, sir."
Pagkatapos ni Lucille mag-bath ay bumaba ito at pumunta sa kusina para tulungan si manang Gloria. Nakita niya itong kumakanta habang nagluluto. Napangiti naman ito ng makita si Lucille na nanonood sa kanya.
"Manang gloria kailangan n'yo po ba ng tulong?"
"Naku iha, kaya ko na ito. Bakit hindi mo samahan si Fredrick."
"Nahihiya po ako."
"Huwag kang mahihiya. Mabait iyon. Mukhang masungit pero okay siya."
"Talaga ho?"
"Oo. Sige na puntahan mo na."
"Sigurado pong okay lang kayo dito?"
"Sanay na ako dito. Sige na."
"Okay po."
Nung mga sandling iyon ay may binabasa si Fredrick sa kanyang laptop. Tinitingnan niya ang lahat ng meeting niya para next week. Naalala niya tuloy ang mga sandaling kasama niya si mang Karding dahil sa ganitong bagay ay lagi siyang binibiro nito.
"Anong oras nga ba yung meeting mo?" Tanong ni mang Karding.
"Alas diyes po."
"Ano? Alas onse?"
"Alas diyes po. Mang Karding huwag po kayong ma-late."
"Ako pa."
"Yeah right, ikaw pa." Napatawang sabi ni Fredrick.
Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan siya ni Lucille ng mga sandaling iyon. Lahat ng kanyang kilos pati pag-ngiti, pati paghawak ng pen ay pinagmamasdan ni Lucille. Huminga siya ng malalim at ngumiti-ngiti.
"Ang ganda pala ng ngiti niya. Ang mga mata niya na mapupungay." Sabi niya sa isip niya sabay hinga ni Lucille ng malalim ulit.
Biglang naputol ang kanyang daydreaming ng marinig niya ang boses ni Fredrick. Napansin na lang niyang nakatayo ito sa kanyang harapan.
"Lucille?"
"Ay sir kayo po pala."
"Just call me Fredrick."
"Okay po."
"Nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo?"
"Opo."
![](https://img.wattpad.com/cover/22432967-288-k304387.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...