"Ngayon ka lang ba nakakita ng multong nakaupo sa inodoro?" Biglang tanong ni mang Karding.
Hindi makakilos si Fredrick dahil sinagot ni mang Karding ang tanong niya. Biglang tumayo ang multo ni mang Karding. Kitang-kita ni Fredrick kung paano lumutang ang mga paa ni mang Karding.
"Move your body Fredrick." Sabi niya sa isip niya, pero sa dala ng sobrang pagkatakot ay hindi nia maigalaw ang kanyang katawan. Para siyang naging tuod.
Papalapit na ang multo ni mang Karding. Pilit niyang gustong isara ang kanyang mga mata pero parang pati ang muscles niya sa kanyang mata ay ayaw gumana.
"Huh?" Napopossess na ako ni mang Karding." Sabi ni Fredrick habang sabay pikit ng kanyang mga mata.
"AYAN SIGE SANIBAN MO NA AKO! SIGE! SIGE!" Hindi niya alam na gumagalaw na pala ang kanyang mga paa at kamay. Mukha nga siyang sinasaniban sa paningin ni mang Karding.
"HAHAHA!" Tawa ng tawa ang multo ni mang Karding.
Dumilat ang mga kanyang mga mata. Narealize niya na nakakagalaw na pala siya.
Sumipol si mang karding at umiling-iling ito. Napansin ni Fredrick na nakaupong lumulutang ang multo ni mang Karding at bigla itong nagsalita...
"For your information... Hindi niya ako ka-level." Sabay turo ng daliri pa-ibaba. " Malakas ang connection ko sa itaas, kaya lang... "
Hindi naipag-patuloy ni mang Karding ang kanyang sasabihin dahil mukhang nahiya pa ito. Iniintay naman ni Fredrick tapusin ang kanyang sinasabi.
"Huwag mong sabihin na nahihiya ka pa?" Takang tanong ni Fredrick.
"Oo naman."
Natawa ng natawa si Fredrick sa sagot ni mang Karding. Nakalimutan niya ang nararamdaman na takot kapag napagmamasdan niya ang itsura nito. Nakisabay naman si mang Karding ng tawa. Biglang tumigil si Fredrick ng tawa at ...
"Halos patayin mo ako sa puso!"
"Sorry." Nagpamukha pa ito ng maamong mukha.
"Ay! Please lang po. Yung eyeball ninyo parang lalabas na. Paki-ayos lang po." Nang didiring sabay takot ang nadama ni Fredrick.
"O, puwede na ba ito?" Tanong ni mang Karding habang ibinalik ang kanyang eyeball.
"Hindi ba ang multo dapat puti ang suot?"
"Meron rin."
"So how come ikaw hindi?"
Hindi niya masabi ni mang Karding ang kanyang iba pang plano dahil ayaw niyang makadagdag pa sa nararamdaman nitong lungkot. Humingi siya ng tawad sa itaas kung bakit niya ito masabi.
"Kase may dapat pa akong ayusin."
"Kagaya ni Lucille?"
Tumango na lang si mang Karding.
"Huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay kukunin ko ang anak ninyo. May mga papeles akong nakahanda para pirmahan ng tinutuluyan ng anak mo. Palalakihin ko siya bilang kapatid ko. Payag ho ba kayo?"
Tumango at nagtatalon sa saya si mang karding.
"Mang Karding ibang talon yang ginagawa ninyo. Lumulutang kayo at nahihilo ako sa kakapanood sainyo. Puwede po bang dahan-dahanin ninyo?"
Dinahan-dahan naman ni mang Karding pero mas natakot naman si Fredrick sa ginawa nito.
"Your creeping me out mang Karding. Maybe it's better you stop doing it."
Tumigil ito para lapitan siya.
"Mang Karding huwag kang masyadong lumapit sa mukha ko baka magkapalit tayo ng mukha, ho?"
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...
