Pagkatapos niyang maglinis ay nag-umpisa siyang magluto. Parang ganado pa ito. Napansin naman iyon ni Fredrick dahil dinig-dinig pa niya itong kumakanta sa kusina.
"Ano ka ba?" Inis na tanong ni Fredrick.
"Anong ano ako?" Takang tanong ni Lucille.
"Gusto mo bang malaman ng ibang tao na nandito tayo?"
"Bakit ganon na ba kalakas ang boses ko? Ni hayop nga wala akong makita."
"Multo lang." Bulong naman ni Fredrick.
"ANO?"
"WALA!"
Tawa naman ng tawa si mang Karding sa tabi ni Fredrick.
"Isa ka pa."
"Ano naman ang ginawa ko?" Nakangiting tanong ni mang Karding.
Biglang may naamoy na masarap si Fredrick. Sinundan niya ito. Pagdating niya sa kusina ay kitang-kita niya si Lucille na nag-aasikaso at nagluluto. Biglang may naalala tuloy siya... ang nakaraan nilang dalawa.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Biglang tanong ni Lucille.
"Gutom na ako."
"Don't worry malapit na po."
Bumalik si Fredrick sa sala at nagmasid ito sa may bintana. Nagulat naman ito ng biglang umilaw ang labas. Nagtago ito sa likod ng kurtina. Nagdadalawang isip siya kung titingin ba siya o hindi. Nagpasya siyang tumingin ulit, bigla niyang nakita ang multo ni mang Karding.
"Ano ka ba?" Bulong nito kay mang Karding.
"Check lang."
"Huwag mo ngang paglaruan yung ilaw."
"Ang sungit mo ngayon."
Hindi na umimik si Fredrick sa sinabi ni mang Karding. Biglang napatalon siya sa boses ni Lucille.
"Why are you so jumpy?"
"I'm hungry that's why?"
"Anyways, the food is ready."
Habang kumakain sila ay kitang-kita ni Lucille na nasasarapan si Fredrick sa luto niya.
"Gusto mo ba yung luto ko?"
"Hindi, gutom lang talaga ako."
"Eh bakit nung first time mong matikman ang luto ko. Sabi mo masarap."
"Do I have a choice? Pressure from work." sagot ni Fredrick habang kain ng kain.
"Pressure from work. Aminin mo na kase. Gusto mo ang luto ko noh?" Pilit ni Lucille.
"Teka baka may lason ito huh?"
"SIRA! Kung may lason yan eh di hindi mo mauubos yung ulam na niluto ko."
"Sige, pag-nakalabas tayo ng buhay dito. Ikaw na ang pumalit kay manang Gloria."
"Ako maid?"
"Hindi, Taga lang."
"Anong taga?" Takang tanong ni Lucille.
"Taga-luto dito, taga-linis dun, taga-laba... Maraming position ang taga."
Biglang namang lumapit sa kinauupuan ni Fredrick si Lucille... Umatras naman ng kaunti si Fredrick.
"Ah ganun."
"Oo ganun."
"How about taga-asikaso mo?" Sabay lapit pa ni Lucille kay Fredrick.
Aatras pa sana siya ng makita niyang nasa kabila naman si mang Karding. Yumuko na lang ito. Ipit ang posisyon niya sa mag-ama.
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...
