Chapter Seven

71 1 0
                                        

Nabigla si Lucille sa kanyang narinig at umalis itong bigla sa harap ni Fredrick at Mica.

"Oopss!" Napangiting sabi ni Mica pagkakita nito kay Lucille.

"I think this conversation is over. I'm tired. I want to rest."

"Don't forget what I said Fredrick. Your reputation may not look so good with a young girl like that."

"Please Mica. Let's stop this nonesense."

Iniwan ni Fredrick si Mica at nagpunta ito sa kanayng opisina. Nagkulong siya doon hanggang sa maka-alis si Mica. Masakit man aminin pero totoo ang sinabi ni Mica. Umupo siya para mag-isip kung ano ang kanyang gagawin. Tatawagan sana niya ang kanyang mama ng maalala niyang kinunan pala niya si Lucille ng picture. Tiningnan niya ito at pinagmasdan.

"Lucille, bakit ikaw pa? Bakit ako pa? Kapag kasama kita iba ang pakiramdam ko. Masaya ako kapag ikaw ang kasama ko. Kaya mo kaya akong hintayin?" Bulong ni Fredrick sa kanyang sarili.

Sa kuwarto naman ni Lucille ay umiiyak ito. Nag-iisip.

"Tatay karding, bakit ba sa kanya mo ako iniwan? Bakit siya pa? Hindi ko maintindihan ang nadarama ko pero masaya ako kapag kasam ko siya. Siya ba ang dapat para sakin? Mahintay kaya niya ako?"

Sa di kalayuan ay pinagmamasdan ito ni mang Karding. Awang-awa siya dito dahil nasasaktan ito sa kanyang damdamin.

"Anak, magpakatatag ka. Darating ang panahon anak. Malalaman mo kung siya ay talagang para saiyo. Magkahiwalay man kayo, magkakasama muli kayo." 

Nakatulog sa pag-iiyak si Lucille habang si Fredrick naman ay gising na gising pa. Hindi niya malaman kung kakatukin niya si Lucille o hindi pero tiningnan niya ang kanyang relo at pasado alas dose na. Nagpasya na lamang siyang matulog sa kanayng opisina.

Nagising si Fredrick sa tunog ng boses ni Lucille. Nagulat ito dahil nakangiti pa ito sa kanya.

"Pinagtimpla ko a po kayo ng coffee."

"Asan si manang Gloria?"

"Namili lang po. Sige po may aayusin pa po ako."

Aawatin niya sana si Lucille sa pag-alis pero mabilis pa ito sa kabayo. Ininom na alng niya ang kanayng coffee at nasarapan siya sa timpla ni Lucille.

Huminga ng malalim si Fredrick at sabay sabi. "Dear God help me."

Pagkatapos niyang uminom ng coffee ay umakyat siya sa kanyang kuwarto para maligo at mag-ayos. Pagkababa niya ay nakita niyang namimitas ng bulaklak si Lucille. Masaya niya itong pinapanood. hindi niya napuna na pinagmamasdan siya ni manang Gloria.

"Ahem!"

"O! Kayo pala manang Gloria."

"Kung sino man iyang pinagmamasdan mo. Eh, baka matunaw na yan." Patuksong sabi ni manang Gloria.

"Sino ho?"

"Kung hindi yung bulaklak, baka yung pumipitas."

"Kayo talaga manang Gloria."

"Fredrick, kilala kita. Kahit si mam Mica ay hindi ka ganyan makatingin. Kahit itulak pa nun ang sarili sa iyo eh hindi mo mapapansin."

"Ganon na ba ako ka-obvious?"

"Fredrick, sir, matanda na ako. Naiintindihan ko ang pakiramdam ninyo. Ang payo ko lang ay hintayin niyo sa tamang edad si Lucille."

Hindi na kumibo si Fredrick dahil alam niyang tama ang sinabi nito. Pilit niyang umiiwas ng araw na ito kay Lucille. Taang-tama naman at nagpapanggap din na hindi apektado si Lcuille sa pangyayari kagabi. Sinamahan niya si manag Gloria sa kusina.

I Won't Last A Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon