Nakatanggap ng tawag si Fredrick galing sa Hospital. Ibinalita dito ang kalagayan ni Jason. Ipinapatawag daw siya nito at may importante daw itong sasabihin. Dali-dali siyang nagmaneho papunta sa Hospital.
Pagdating niya sa hospital ay nakita niya ang dalawang police na nakabantay sa labas ng kuwarto ni Jason. Pinakita niya ang kanyang identification at pinapasok siya ng mga ito. Pagpasok niya ay nakaupo si mang Karing sa isang sulok.
"Mang Karding, ano po ang ginagawa niyo dito?"
"Andito ako para gabayan kita."
"Bakit ho?"
"Makinig ka sa sasabihin ni Jason."
Nilapitan ni Fredrick si Jason. Kita nito ang mga pasa sa mukha at mga braso. Sa isip niya ay baka may nagtangkang pumatay dito sa kulungan. Nang mapansin siya nito ay umiiyak ito.
"Mr. Harrison, salamat po at pinuntahan niyo ako."
Hindi umimik si Fredrick. Hindi siya makasiguro kung anong nangyayari pero kung may sasabihing importante si Jason ay kailangan niyang marecord ito. Nilabas niya ang kanyang cellphone at sinimulan niya itong irecord.
"Kung sasabihin ko po sainyo ang totoo, sa palagay niyo pupunta akong langit?"
"H-hindi ko alam." Sagot ni Jason sabay tingin kay mang Karding.
"Patawarin nyo po ako. Bata pa po ako nun."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Mr. Andrews po."
"Sino?" Tanong ulit ni Fredrick. gusto niyang makasiguro kung tama ba ang kanyang narinig.
"S-si Mr. Andrews po ang nagpapatay ng papa ninyo."
Halos nabigla si Frdrick sa kanyang nadinig. Matagal na niyang hinahanap ang taong pumatay sa papa niya pero wala silang witness at proof nung maganap ang insidente. Kitang-kita ang galit ni Fredrick sa kanyang mga kamay. Halos gustuhin nitong suntukin si Jason.
"Fredrick, tibayan mo ang loob mo." Paalala ni mang Karding sa may sulok.
"Naririnig nyo po ba iyon?" Takot na tanong ni Jason kay Fredrick.
"Sino?" Biglang tanong ni Fredrick. Gusto nitong matiyak kung si mang Karding ang tinutukoy nito.
"I'm sorry, sorry po. Patawarin niyo po ako." Halos mangiyak sa takot si Jason dahil kitang-kita niya pala si mang Karding.
"Nakikita ka niya?"
"Kase malapit na siyang mamatay."
"Ayaw ko pang mamatay. Please tulungan niyo po ako." Biglang umubo si Jason.
Tumingin ulit si Fredrick kay mang Karding. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nangingibabaw ang galit niya kay Jason.
"S-si Mr. Andrews po ang nagpapatay sa kanya." Sabay turo kay mang Karding.
Mas lalong nagalit si Fredrick at muntik na niya itong suntukin. Buti na lang at umawat si mang Karding.
"Hayaan mong kunin ng taga ibaba ang kanyang kaluluwa. Pinapanood tayo sa itaas."
Biglang nahimasmasan si Fredrick. Natakot naman siya sa sinabi ni mang Karding.
"Lahat ng bagay ay may katapusan at may patutunguhan. Ang mga kagaya ni Jason ay hindi puwedeng tanggapin sa langit. Buhay ang ibinigay ng itaas, buhay ang pinaslang ni Jason... Ang kanyang buhay din ang magbabayad."
Lahat ng confession ni Jason ay nairecord ni Fredrick. Tumawag siya sa police sa labas at pumasok naman ang isang police. Sumumpa si Jason na totoo ang kanyang mga sinabi at tumawag ng iba pang police para mag-pafile ng warrant of arrest kay Mr. Andrews. Pagkatapos nun ay biglang nawalan ng hininga si Jason.
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...