Chapter Six

81 2 0
                                        

“What are you wearing?”

“Ito?”

“YES!”

“Bistida po.”

“That a dress?”

“Oo naman po. Pasensiya na po pero wala akong masyadong damit. Pero okay alng naman po ito.”

 Halos ipikit-pikit ni Fredrick ang kanyang isang mata. Hindi pa siya nakakita ng ganitong klaseng damit. Kulay avocado na may orange at dilaw na malalaking speckles.

 “MANANG GLORIA!” Pasigaw na tawag ni Fredrick.

 Dali-dali namang pinuntahan ni manang Gloria si Fredrick.

 “Ano po iyon sir?”

“Ito.” Sabay turo kay Lucille.

Pagtingin niya kay Lucille ay nagulat ito sa suot nito.

“May nangyari ba sa inodoro?”

“Wala.”

“Eh, bakit ganito ang itsura nito?”

“Manang Gloria, may damit po ba kayong mapahihiram kay Lucille?”

“Ano ka ba naman sir? Hindi yun bagay kay Lucille.”

“Yeah, you are right.”

“Bilhan nyo na lang po siya ng damit.”

“I was just thinking about that. What do you think Lucille?”

“Okay pa naman poi tong damit ko.”

“That won’t do.”

“Sige na iha. Pagbigyan mo na si sir.” Pilit naman ni manang Gloria.

Tumingin lang si Lucille kay Fredrick , nagtaas balikat ito at ngumiti kay Fredrick.

“Okay po.”

“All right let’s go.”

Inalalayan siya ni Fredrick pasakay sa kotse at pagkatapos ay nag-drive na si Fredrick papuntang mall. Habang nagmamaneho si Fredrick ay pasilip na pinagmamasdan ito ni Lucille. Ang hugis ng kanyang mukha, kilay, ilong, at labi. Naninibago siya sa kanyang nararamdaman pero ang mas mahalaga ay kasama niya si Fredrick. Masaya na siya kapag nandito ito sa tabi niya. Ang hindi niya alam ay nakakapansin si Frdrick sa kanya. Naputol ang kanyang pagmamasid kay Fredrick ng magsalita ito.

“Lucille, is there something wrong?”

“Wala po.”

“You seem so quiet.”

“Nag-eenjoy lang po.”

“I see.”

“Bakit mo ako pinagmamasdan?”

“Ano po?”

“Yes. I can see you staring at me.”

“Talaga?”

“Yup.”

Hindi kumibo si Lucille sa hiya. Napatingin lamang ito sa bintana at ipinikit ang kanyang mata sa hiya.

I Won't Last A Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon