Chapter Two

101 2 0
                                    

Kinamot niya ang kanyang mga mata at ng idilat niya muli ito ay wala na ang figure sa salamin. 

"Ano ba ito?" Tanong ni Fredrick sa sarili.

Pabalik na sana siya sa kanyang kama ng makadama siya ng napakalamig na hangin sa harapan niya. Feeling niya tuloy ay para siyang nasa loob ng freezer.

"Brrr!" Sabay himas ni Fredrick sa kanyang mga braso.

Biglang nagtayuan ang kanyang balahibo. Para bang may nakatayo sa kanyang likod. Nagdadalawang isip si Fredrick kung haharapin ba niya o hindi. Pinikit niya ang kanyang mga mata at dali-dali siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Pagsara niya ng pinto ay nawala na ang nararamdaman niyang lamig. Huminga siya ng malalim at nagpunta ito sa kusina.

Kumuha siya ng gatas sa refrigerator at kumuha rin siya ng baso sa cabinet. Pagkatapos ay ininit niya ang baso ng gatas sa microwave. Naupo siya sa may coffee table at nag-isip ito. Parang hindi parin siya makapaniwala sa lahat ng pangyayari. Parang kailan lang ay kasa-kasama pa niya si Mang Karding uminom ng gatas. Lagi siya nito pinag-iinit ng gatas bago siya matulog, gaya ng kanyang papa. Simula ng mamatay ang kanyang papa ay ipinagpatuloy na ni Mang Karding ang tradisyon na nakasanayan niya... Ang uminom ng mainit na gatas. Ngayon ay siya na ang kusang mag-iinit ng gatas. Wala na ang kanyang papa at ang matalik niyang kaibigan na si Mang Karding.

Sa kakaisip ay nakatulog siya sa coffee table at nagising na lang siya sa tawag ni Manang Gloria. 

"Sir Fredrick! Sir... Ano ba't dito ka natulog?"

"Pasens'ya na Manang Gloria. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi."

Papaalis pa lang siya ng magtanong si Manang Gloria.

"Umuwi ba kagabi si Mang Karding?" Tanong nito habang nag-iinit ng tubig para sa coffee.

Pumikit si Fredrick at doon niya talagang narealized na wala na si Mang Karding.

"Okay ka lang ba sir?" 

"Puwede ho ba akong magtanong sa inyo kung bakit laging dumadayo si Mang Karding sa San Antonio?"

"Eh, hindi ko alam. Bakit hindi ka ba niya sinipot kahapon?"

"Manang Gloria, patay na ho si Mang Karding."

"ANO?"

"Ako ho ang nag-confirmed sa katawan niya sa may St. Peter's Hospital. Nabangga po ang kotse na minamaneho niya?"

"Gamit ba niya ang kotse mo?"

"Oho. Since wala po siyang kamag-anak, ipapalibing ko po ang kanyang bangkay sa lalong madaling panahon."

"Sigurado ka?"

"Kahit kailan wala akong nabalitaan tungkol sa kanyang kamag-anak. Ang alam ko wala siyang kapatid."

"Sasamahan kita. Kawawa naman si Mang Karding."

After that morning, nag-almusal lang mabilis si Fredrick at dumeretso siya sa kanyang opisina. Malungkot niyang sinabi sa kanyang secretarya ang trahedyang nangyari kay Mang Karding. 

"Ano? Hindi ako makapaniwala." Naiiyak na sabi ng kanyang secretary na si Trish.

"Please hold my meeting until I come back from the burial."

"Yes sir."

"I am calling one of the priest from our church to do the funeral ceremony. Please let me know if the priest calls."

Naupo siya sa kanyang desk chair at tumawag sa police. May sumagot na lalaki sa kabilang linya.

"San Antonio Police Department. how may I direct your call?"

"Hi, I would like to inquire about the car crash that happened yesterday in San Antonio."

"Sir, napakalaki ng San Antonio. Which car crash are you refering to?"

Huminga ng malalim si Fredrick. As much as possible ay ayaw niyang may makaka-alam na siya ang humahanap ng information tungkol sa pagkamatay ni Mang Karding. Ayaw niyang magbigay ng motibo sa kung sino mang may kagagawan ng pagkamatay ni Mang Karding para hindi ito makatakas. He has to gather every information and proofs then he can make his first move.

"Karding Ignacio, sixty-five-years-old, male.'

"Are you a relative?"

Nag-isip siyang mabuti kung sasabihan niya na hindi siya ang relative pero...

"Yes, he is my uncle. Please have those records ready. I will bring all the necessary papers you need." Says Fredrick kahit alam niyang imposible pa rin niya itong makuha.

"Sir, if you----"

"Just please have it ready. I need to bury my uncle as soon as possible."

"All right sir."

Pagkababa niya ng telephone ay tinawagan niya ang kanyang secretary about what he needed to produce sa San Antonio Police Department. Ang problema lang ay ang signature ni Mang Karding. Hindi niya masyado kabisado ang pirma nito. He has to search his things in his quarter as soon as possible.

"Trish, I need to get something first. Any calls please transfer it to my voicemail except the San Antonio Police Department and the Priest."

"Yes sir."

It's a good thing that he has another car that he keeps in the garage of his company. Dali-dali siyang umuwi para mag-hanap ng mas malinaw na signature ni Mang Karding. While he was searching ay biglang may nag-sara ng pintuan sa likod niya. It made him jump. Agad-agad siyang tumingin sa paligid ng kuwarto ni Mang Karding. Wala namang tao kaya ipinagpatuloy niya ang paghahanap. Biglang may anino na dumaan sa may bintana.

"Manang Gloria?"

Walang sumasagot... biglang may hinangin na papel sa may side table ng kama ni Mang Karding. Tumingin si Fredrick sa paligid ulit pero alam niyang walang makakapasok na hangin dahil sarado naman ang bintana. 

"Mang Karding naman... Pinagmumultuhan ba ninyo ako?" Pabirong bulong ni Fredrick.

Bigla na lang nahulog ang picture ni Mang Karding at nabasag ang salamin. Ngayon talagang natakot na si Fredrick. Bigla itong hindi makagalaw sa kinatatayuan at habang umiikot ang paningin. Takot na tako't lumingon sa likod. Papa-atras sana siya pero nakatapak siya ng mga salamin galing sa picture frame. Pagtingin niya sa ibaba ay may napansin siyang picture. Pinulot niya ito.

Sa picture na ito ay si Mang Karding at ang kasama nitong batang babae. Napansin din niyang may nakasulat sa likod. 

        To My Dearest Itay,

        Sana magustuhan mo itong picture nating dalawa. Dalawa lang itong kopyang ito. Isa saiyo at isa sa akin. Sana sa susunod na birthday ko agahan mo ang pagdating mo. I'm turning fifteen na po. Hayaan po ninyo mabait naman ang tinutuluyan ko. May pagka-masungit nga lang minsan pero kaya ko naman po.

      Ingat po kayo Itay palagi at pag-igihan po ninyo ang pagtratrabaho sa ibang bansa. Pagbalik po ninyo sana magkasama na tayo ulit. I love you itay.

        Lucille

Hindi makapaniwala si Fredrick sa kanyang natuklasan, pero natandaan nung minsa ay tinanong niya si Mang Karding kung sino ba ang kanyang pinupuntahan o dinadalaw pero ang sagot lang nito ay..."Ang bago kong nobya... Si Lucille."

Sa di kalayuan ay may nagmamasid na figure. 

Papatayo na si Fredrick ng makita niya ang nakaupo sa kama. Si Mang Karding!

I Won't Last A Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon