Chapter Twelve

59 4 2
                                        

It's been six months since Lucille got back from the States. Nakabili ito ng puwesto at naging maayos naman ang patakbo ng kanyang business as a restaurant owner. Hands on ito kahit siya ang may-ari. Importante sa kanya ang reputation ng kanyang negosyo at satisfaction ng costumer.

"Hello po." Sagot ni Lucille sa mama ni Fredrick.

"Iha, baka naman masobrahan ka niyan at magkasakit ka. Namimiss ko na ang presence mo dito. Wala na akong makasama sa pamamasyal ko."

"Mama, bakit po naman kase ayaw n'yo pang pagbigyan ang manliligaw niyo." Pabirong tanong ni Lucille 

"Naku, maghintay siya kung gusto niya."

"Mama, kailangan nyo rin pong may kasama."

"Iha, hindi mo pa ba siya tinatawagan? Siguradong matutuwa iyon kapag nakita ka."

"Busy po kase ako sa restaurant."

"Busy o iniiwasan mo pa rin siya?"

Huminga na lang ng malalim si Lucille at binalin ang attention sa pagmamasa ng harina.

"Basta miss nakita iha, lalo na ang mga luto mo."

"I miss you too, mama."

"Sige baka nakaistorbo na ako siyo. Huwag mong kalimutan tawagan si manang Gloria."

"Yes po."

Pagkababa ng telephone ay nilapitan siya ng kanyang staff. Since nagbukas ang kanilang restaurant at maraming tao ang dumadayo dito. Nagustuhan nila ang mga pagkaing niluluto ni Lucille at ng iba pang staff na tinuruan ni Lucille.

"Mam, kayo nga po ang makipag-usap sa babaing ito. Nalilito ako."

"Okay sandali lang."

Naghugas ng kamay si Lucille at kinausap ang nasa kabilang linya.

"Hi this the chef speaking."

"Hello, I would like to arrange a small lunch for my staff meeting. I know it's a short notice, but I've heard from other costumer that you guys serve pretty well."

"Yes, you are right."

Kinuha ni Lucille ang order at sinulat niya iyon. Pinasa naman sa kanyang assistant ang information na dapat kuhain. Nagmamadaling nagluto si Lucille ng mga order nito. It's could become one of her frequent costumer if they love her food. Kaya pinagbutihan nito ang pagluluto. Nagbihis siya dahil nadumihan ang kanyang suot. Nagsuot siya ng pink na polo shirt. Nag-iwan lang siya ng tatlong butones sa may kuwelyo, dahil hindi parin siya sanay sa init.  Pinarisan niya ito ng puting skirt hanggang tuhod. Inipitan niya ang kanyang buhok.  Pagkatapos ay siya na rin mismo ang nagpasyang maghatid para makilala niya ang kanyang costumer.

Medyo naninibago pa siya sa lugar dahil mas sanay siya sa America. Pero pinilit niyang matutong mag-drive dahil kailangan niya ito sa kanyang negosyo. Pagdating niya sa lugar na sinasabi ay parang familiar sa kanya ang itsura nito kaso hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Buhat-buhat niya ang dalawang paper bag na puno ng pagkain. May dala din itong bulaklak at sparkling water. Kailangan ay maihain niya ang mga pagkain bago pa matapos ang meeting. Pagdating niya sa floor ay tinanong niya ang secretarya. 

"Hi, I'm the chef from the restaurant. i'm here to set up the food for your staff meeting."

"Oh yes. Thank you for coming in a short notice. Kase naman maraming nagsasabi na napakasarap daw ng pagkain niyo." Sabi naman ni Trish. Medyo tinitigan ang mukha ni Lucille. 

"Mabuti naman. By the way, where should I set this up?"

"Parang familiar ang mukha mo sakin."

"Talaga? Ako rin parang familiar ang lugar na ito."

I Won't Last A Day Without YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon