Chapter Ten

52 3 0
                                    

Naglakad-lakad si Lucille dahil hindi niya kabisado ang pauwi sa bahay. Tumawag si Fredrick kay manang Gloria pero walang sumasagot. Naisip tuloy i Fredrick na baka wala pa sila sa bahay. Bumalik si Fredrick sa trabaho at buti na lang ay wala na si Mica.

Ibinuhos niya ang kanyang sarili sa trabaho at ng tumingin siya sa wrists watch niya ay sinubukan niyang tawagan ulit si manang Gloria. 

"Hello?"

"Manang Gloria, kamusta po si Lucille?"

"Si Lucille? Diba kasama mo?"

"Ang sabi ni Trish ay pinauwi nyo raw." Nag-aalalang sagot ni Fredrick.

"Paano uuwi iyon eh hindi nun alam saka wala ring pera yung batang yun."

Biglang binababa ni Fredrick ang telephone at tuloy-tuloy itong lumabas ng trabaho. Nag-aalala siya kung saan naroon si Lucille. Pinuntahan niya ng park pero hindi niya makita si Lucille. Tumigil siya sa plaza na malapit pero hindi niya rin ito nakita. Umuwi siya ng bahay dahil baka sakaling naglalakad ito pauwing bahay. Dumating si Fredrick pero wala si Lcuille sa bahay. Nangangamba na takot ang nadarama ni Fredrick.

Biglang may nag-doorbell ng gate. Dali-dali namang pinuntahan ni Fredrick at nakita nito si Lcuille. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Lucille. You got me worried."

"Okay lang naman po ako."

"Are you okay?"

"I'm okay."

bumitiw ito kay Fredrick at dumetretso sa loob ng bahay. Bago pa makapagsalita si Fredrick ay nag-ring ang kanyang cellphone. May emergency meeting daw na dapat asikasuhin at kailang ang presence ni Fredrick.

Hinabol nito si Lucille pero nasa kuwarto na ito. Hindi alam ni Fredrick kung kakatukin niya ito o hahayaan muna. 

"Lucille, this is Fredrick. Are you sure everything is okay?"

bumukas ang pinto at sinagot lang niya si Fredrick...

"Okay lang ako." Sabay sara ng pinto ni Lucille.

Hindi na naman niya ito inistorbo pa ulit dahil kailangan niya ng umalis. Sa loob naman ng kuwarto ay umiiyak si Lucille. Iyak ito ng iyak. Nasaktan sa nakita niya kanina. 

"Akala ko mahal mo ako. Akala ko, ako lang ang mamahalin mo." Bulong nito sa sarili habang umiiyak.

Nang wala na si Frerick ay lumabas si Lucille at naglakad-lakad ito sa labas ng bahay. First time niya lang maka-abot sa likod ng bahay at doon ay nakita niya ang isang maliit na bahay. Tumingin siya sa may bintana. pinuntahan niya ang pinto at ng hawakan niya iyon ay bumukas ito. Pumasok siya at nagmasid sa loob.

Hindi niya maiwasan na tingnan ang iba't iabng bagay. Naging curious siya sa lugar na ito at binuksan ang side table. Doon ay nakita niya ang larawan ng kanayng tatay. Sa isip niya...

"Dito pala ang kuwarto niyo tatay... " Sabay yakap sa picture ni mang Karding.

Tumingin-tingin pa siya sa loob at binuksa ang aparador. Doon ay nakita niya ang mga damit ng kanyang tatay. Nakita din niya ang mga sulat na ibinigay niya sa kanyang tatay. Naguguluhan siya dahil parang puno ang aparador ng kanyang tatay. Parang hindi ito umalis. Lumabas siya ng quarters ni mang Karding. Sa may pintuan ay nakatingin ang kaluluwa ng kanyang tatay, lumuluha. Dali-dali siyang pumunta kay manang Gloria. Nang makita niya ito ay nagtanong siya tungkol sa kanyang tatay. Nabigla naman si manang Gloria at halos hindi ito makasagot.

"Asan po si tatay Karding? Sabihin niyo po saakin ang totoo."

Hindi makasagot si manang Gloria dahil parang hindi niya na kayang magsinungaling pa kay Lucille.

I Won't Last A Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon