Nagtinginan silang dalawa ni Fredrick. Parehas silang hindi gumagalaw. Sa labas ay may sinag na liwanag. Dahan-dahan silang nagtungo sa monitor room.
"Can you see it?" Tanong ni Lucille habang nakahawak sa balikat ni Fredrick.
"Shhh! I'm trying."
Naka-ilang turn sila ng CCTV camera sa labas hanggang ngayon ay wala pa rin silang makita.
"Maybe it's just an insect or a small animal."
"I hope so." Sabi ni Lucille habang nakawak pa rin itong maigi sa balikat ni Fredrick.
"Ahem! Magkakapasa na ako niyan."
"S-sorry."
"Tara na matulog na tayo." Yaya ni Fredrick kay Lucille.
"Are you saying tabi tayo?" Takang tanong ni Lucille kay Fredrick.
"H-... nagbago ang isip ni Fredrick.
"Oo, dahil baka bumalik kung ano pa man yung nasa labas kanina."
"Hmp! Gusto mo lang maka-chancing." Sabay irap nito kay Fredrick.
Natawa naman ng natawa si Fredrick sa sinabi ni Lucille. Nilapitan niya ito ng maigi. Halos malapit niya itong halikan. Tinitigan ito ni Fredrick. Halos malusaw si Lucille sa tingin ni Fredrick. Then ngumiti ito.
"Mayroon ba akong mahahawakan?" Tease ni Fredrick.
Inirapan lang nito ni Lucille at pumunta ito ng kanyang kuwarto. Napangiti lang naman si Fredrick at pumunta na rin ito sa kanyang kuwarto.
Sa Loob ng kuwarto ni Lucille, hindi ito makatulog sa takot. Nagtakip pa ito ng kumot sa mukha. Wala pang ilang minuto ay bigla itong nakadinig ng konting kaluskus. Tumayo itong bigla at tumakbo sa kabilang kuwarto at sabay talon sa kama ni Fredrick.
"Aray!"
"Puwede bang dito ako matulog?"
"Ano namang problema sa kuwarto mo?" Tanong ni Fredrick habang umuusog ito palayo kay Lucille.
"Natatakot ako." Sabay yakap naman ni Lucille sa braso ni Fredrick.
"Ikaw pala ang mag-chancing sakin." Tukso nito.
Biglang bumitaw si Lucille kay Fredrick at napahiya ito. Umurong naman ng kaunti papalayo kay Fredrick. Hindi na lang siya kumibo. Nakatulog siya ng kaunti pero nagising ito sa likot ni Lucille.
"Lucille, para ka namang tuta kung matulog. Gising ka pa ba?"
"Hindi pa rin ako makatulog."
Naawa naman si Fredrick kay Lucille kaya nilapitan niya ito ng kaunti sa kanyang tabi. Na-feel ni Fredrick ang init na dulot ng katawan ni Lucille. Matagal ding walang nagsasalita hanggang ...
"Lucille..."
"Yes?"
"Halika na nga dito." Sabay yapos naman kay Lucille. Hindi naman nakakibo kaagad ito.
Ilang minuto pa ang nakalipas at ni isa sa kanila ay hindi umiimik. Naawa naman si Lucille kay Fredrick ng dahil sa kanya, hindi rin ito makatulog kaya nag-inakto na lamang ito na tulog na. Akala naman ni Fredrick ay nakatulog ng mahimbing si Lucille. Pero ramdam na ramdam ni Lucille ang paghinga ni Fredrick. Alam niyang gising na gising pa ito. Nag-umpisang magsalita si Fredrick...
"Lucille, mahal pa rin kita."
Hindi mapigilan ni Lucille ang nararamdaman ng mga sandaling iyon at ramdam din ni Fredrick ang reaction sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...
