Ni isa sa kanila ay walang kibong nagtinginan. Parang ang mga mata lang nila ang nagsasalita. Ngumiti si Lucille at ngumiti din si Fredrick. Habang si mang Karding ay nagmamasid sa tabi ng puno. Hindi siya makita ni Fredrick. Unti-unting nawawala ang nakakatakot na anyo ni mang Karding.
Biglang naputol ang kanilang moment ng marinig nila ang tawag ni manang Gloria. Papa-alis na sana si Lucille pero pinigilan siya ni Fredrick. Kinabahan si Lucille dahil sa init ng nadaraman niya galing sa kamay ni Fredrick. Para siyang nalulusaw sa tingin nito. Lalo ng magtanong ito...
"Lucille, gusto mo ba talaga ako?" Tanong ni Fredrick habang papalapit ito sa kanya.
Hindi alam ni Lucille kung nanaginip siya ng mga sandaling iyon pero ng lumapit pa si Fredrick sa kanya, alam niyang hindi siya nanaginip.
"Kung sasabihin ko saiyo na masaya ako kapag kasama kita. Kapag nasisilayan ko ang hugis ng mukha mo. Kapag ganitong malapit ka sa akin?"
"Is that mean... You like me?"
Ngumiti lamang si Lucille at hinila siya ni Fredrick at niyakap.
"Lucille... Oh my dear Lucille. Ever since na makita ko ang larawan mo, hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero ngayong kasama kita at yakap-yakap, masaya ako." Sabi ni Fredrick habang nakayap ng mahigpit kay Lucille.
"Ako rin Fredrick. Masaya ako kapag kasama kita."
"Hihintayin kita Lucille. I promise you."
"I will Fredrick."
For the first time ever ay hinalikan siya ni Fredrick. Halos matunaw si Lucille sa sarap ng feeling. Isang halik ng lalaking tunay na nagmamahal. Ang una niyang halik. Hinalikan din niya itong pabalik at mas hinalikan pa siya ng mabuti ni Fredrick. Bumibilis ang tibok ng kanilang puso. Mas niyakap pa siya ulit ni Fredrick at naramdaman niya ang mga muscles nito. Ngayon lang siya nakadama ng ganitong pagsabik. Pagkatapos siyang halikan ni Fredrick ay ngumiti ito sa kanya at ganon din siya. Hawak kamay silang naglalakad sa hardin. Nagtatawanan at tumingin-tingin sa buwan. Pinapasok muna ni Fredrick si Lucille at dumeretso naman si Lcuille sa kusina para magtimpla ng mainit na gatas. Dinalhan niya ito.
Nagsalo sila at nag-usap sa opisina ni Fredrick.
"Lucille, I'm happy. Do you care about my age?"
"Masaya rin ako. Yun ang importante para sa akin, masaya ka rin."
"Puntahan mo ako sa office tomorrow para maturuan ka ni Trish sa computer."
"Really?"
"Yes, my Lucille."
"Hindi ba parang pabigat ako kay Trish dahil marami iyong trabaho?"
"I'll make sure, she will only pay attention to you tomorrow. After tomorrow, we will see if you can take some classes para makatapos ka ng pag-aaral mo."
Ngumiti lamang si Lucille kay Fredrick. Sabay silang umakyat at pumunta sa kanilang silid. Excited ang pakiramdam ni Fredrick. Parang nagkaroon ng kulay ang buhay niya. Ganun din si Lucille.
Kinabukasan ay maaga ng umalis si Fredrick dahil may meeting pa ito. Nagbilin si Fredrick na ihatid si Lucille sa kanyang opisina para maturuan ng computer. Pumayag naman si manang Gloria dahil mag-shopping ito ng masusuot at mamimili ng regalo para sa kaarawan ni Lucille.
Alas nuwebe na ng ihatid ni manang Gloria si Lucille sa company ni Fredrick. Doon ay inasikaso siya kaagad ni Trish. Binigyan ng sariling room para makapag-aral ng computer.
"Alam mo, ikaw lang ang alam kong tinuruan ko ng ganitong ka-private. Pero huwag kang mag-alala tuturuan kita ng mabuti."
"Thank you Trish. utang na loob ko ito sa iyo."
BINABASA MO ANG
I Won't Last A Day Without You
Romance"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa susunod put a sign outside the door." "Yes po." Habang tinatakpan ang kanyang katawan. Biglang piatay...
