Chapter 1: First Day part 1

993 6 0
                                    

CHAPTER 1


“ Girl narinig mo na ba ang chismis “

Dinig nya mula sa katabing mesa kung saan sya naka upo at nagbabasa.

“ Anong chismis ba yun?” balik tanong ng kausap nito.

“ Hays, napaka late bloomer mo talaga. Alam mo bang nagkakagulo ngayon sa school?”

“Whaaaaat-” nakita nya sa side ng mga mata nyang luminga linga ito. “ Eh, girl naman anong nagkakagulo eh, ang tahimik kaya.”

“ Gaga!, hindi dito. Library kaya to noh.”

“Hehe sabi ko nga. Eh, anong bang chismis yun”  tanong ulit nito.

“Bumalik na kasi sya”

“Who?”

“Si Black” mahinang sambit nito sa isang pangalan.

“WHAT!!!!” napalingon ang lahat sa babae.

Bigla ba namang sumigaw.

“ silence please!."  sigaw ng librarian.

Napahiya naman ang babae at biglang umupo. “ y-you mean, s-si Black?”

tsk.

Tumayo na ako. Wala naman talaga akong planong makinig sa chismisan ng dalawang babaing iyon. Na kaka-istorbo na kasi ang mga ito. Hindi na ako nakaka concentrate.

Bitbit ang librong binabasa, lumapit ako sa counter ng librarian.

"Ah mam, tranfer student po ako. Ngayon ang unang araw ko, pero, pwedi na po ba akong humiram ng libro dito sa library?" tanong ko sa librarian matapos kong makuha ang atensyon nito mula sa pagbabasa.

"Pwedi na, ilagay mo lang ang pangalan mo sa likod ng libro. May papel na nakadikit dyan. Borrower's Information." sagot nito.

Nangtignan ko ang tinutukoy nito. Meron ngang papel na nakadikit. Napansin kong isang word lang ang nakalagay sa #1 na dapat pangalan ang ilagay.

"BLACK."

"May sinasabi ka?" tanong ng librarian sa kanya.

"Wala mam." mabilis kong sinulat ang pangalan ko.

"Okay, pwedi mo tong hiramin hanggang limang araw." paliwanang sa kanya ng librarian pagkatapos nitong etyp sa computer ang pangalan ng librong hiniram ko. Ibinalik nito sa kanya ang Student Information. Wala pa kasi akong i.d kaya SI muna ang ginamit nito.

" Salamat mam."

Pagkakuha ko ng libro ay lumabas na ako ng library. Na punta ako sa Canteen ng Queen University. Marami rami na din ang mga tao dahil malapit na rin naman ang lunch break. Nag hanap ako ng solong mesa. Buti nalang may mesa sa parti kung saan malayo sa karamihan.

Pagka upo ko ay agad kong inilabas ang librong hiniram ko sa library. Nagsisimula na akong magbasa ng may biglang umupo sa harap ko.


“Transfer Student?” biglang tanong sa kanya ng lalaking kadarating lang.

Ano ba?! Ba't ba ang daming istorbo.

“Oo”, tipid na sagot ko.

Ni hindi man lang nya nilingon ito. Nasa parti na kasi ako ng isang equation, kung saan bago sa aking kaalaman.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon