CHAPTER 9
Palabas na ako ng Queens ng biglang may umakbay sa akin.
"Buti nalang pre, nakaabot ako sa assignment." si ben.
Inalis ko sa balikat ko ang braso nito. Matapos mag usap nila ni Daniella, ay sinabihan nya itong umuwe muna na, na ginawa din nito. Dahil hindi daw nito ma take ang hapdi.
Huh!, wala talaga itong planong mag aral ng mabuti. Bad influence. Pero tama din ang ginawa nito. Kung may plano talaga ang Executive, at sa una pa lang na galaw nito ay nasugatan na ng ganong si daniella, hindi nga sila basta basta.
Nanganganib ang buhay ni Daniella. Pero kung maka asta ito parang wala lang.
"Takot na takot ako syempre. Sa tatlong punisher isa lang ang mas kilala ko, ang dalawa si jack na ang nag recruit. Mga tao silang galing sa ibang committee, kaya naman nakakatakot din sila. At kahit na sabihing ako ang Queen dati, hindi ibig sabihin non, hindi masakit at mahirap ang parusa.
At alam mo ba kung bakit ko nasabi yon?. Dahil sa lahat ng pinaparusahan ng Punisher ng Executive mas sabik sila pag mismong ang dating isang Executive ang pinaparusahan nila, kasi nga doon lang sila maka ganti sa mga mahihirap at nakakatakot na parusa at utos ng mga Executive."
Naalalang kong sabi ni Daniella.
Nasa bunot ko ang buhok ko. Dahil hindi ako nakatingin sa daan ay may nabangga ako. Natumba ang nabangga ko.
"So-sorry." paghingi ko ng tawad. Tutulungan ko na sana sya ng itinaas nito ang isang kamay.
"Ayos lang." sabi nito. Tumayo ito at pinagpag ang damit.
Nakangiting tumingin ito sa kanila ni ben.
" Kasalanan ko din naman kasi hindi din ako nakatingin sa daan." sabi pa nito. " Sige, mauuna na ako." paalam nito sa kanila at nilampasan na sila.
Sinundan ko ng tangin ang lalaki.
May kakaiba sa kanya.
"Sino yon?" tanong ko kay ben.
Nagtatakang nilingon ko si ben, bigla kasi itong tumahimik.
"Hoy!, anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya, para kasi itong nakakita ng multo. Namumutla pa ito.
"P-pre, hindi mo kilala yon?" nakakakabang tanong nito.

BINABASA MO ANG
Mr and Mrs Dollar
Romance"I remember the day i first saw you. And that is the worst day I ever had in my entire life." - Rios King Creg. - written by DonaLeynn 9-1-14