Chapter 5: Her Sins

390 2 0
                                    

 CHAPTER 5

Excited na sana ang pangalawang araw ko sa pagbabalik ko ng makasalubong ko si White. Iiwasan ko na sana sya ng magsalita sya ng hindi maganda tungkol sa akin na inataas nanaman ng presyon ko.  At syempre, ano pa ba ang magiging resulta sa pagkakaharap namin.

Dihado nga ako kasi, mag isa lang ako sya may mga kasama.  Hays, kaya heto ang napala ko.

 Hinimas himas ko ang nasaktang pisngi. Papunta ako ngayon sa likuran ng canteen kung saan makikita ang Craft Minor. Isa sa mga club room ng Queens. Kung saan isa ako sa apat na members.

Diritsang binuksan ko ang pinto. Tulad pa rin ng dati ang lugar.

"A-aray ko."

Napabaling ako sa nag iisang taong nandon. Napangiti ako ng makita ko si Dolly.

"DOLLY!!!!" bati ko sa kanya sabay lapit at niyakap ko sya ng ubod ng higpit.

"A-ano ba, hindi ako makahinga, bitiwan mo nga ako Dani." reklamo nito. Sanay itong tawagin syang Dani kaysa sa Black o Daniella.

"Kamusta na? na miss mo ako?"

Sumimangot ito. "Anong na miss, alam mo bang galak na galak ako ng mawala ka. Tignan mo nga club." Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Maayos na naka ayos ang mga gamit don, kahit na ang dalawang halaman ay nabulaklak na din. " Nang mawala ka, hindi na makalat ang lugar. Syaka wala ng maingay na parang aso dito." sabi nito habang inaayos ang natumbang upuan. Alam nyang nagbibiro lang ito.

"Na miss mo nga ako Dolly."

Si Dolly ang president ng Craft Minor Club and the rest, members na. Si Dolly ang ubod bait na kaibigang na nakilala ko. Kaya nga gustong gusto ko sya. Mas matanda nga lang ito ng dalawang taon sa kanya.

Bigla itong naging seryoso. " Bakit mo yon ginawa Dani?"

Natigilan ako sa tanong nya. Matapos ang tatlong buwan, sa wakas may nagtanong din sa akin. But its so late..

"Ang alin." maang maangan kong balik tanong sa kanya.

"Talaga bang hanggang ngayon wala ka pa ring sasabihin. Nong una hindi ako naniwala Dani. lahat ng tao dito na nagsasalita ng hindi maganda sayo ay inaaway ko. Sinasabi kong hindi totoo yon. Kaya naman hinintay kita. Naghintay ako dito na sabihin mo sa akin kung totoo ba yon o kung bakit mo ginawa yon?" naluluhang sabi nito.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon