Chapter 14: Tragedy

353 1 0
                                    

CHAPTER 14

AAAH na miss ko ang hangin dito sa Plaza. Papunta kami ngayon ni Dolly sa mall. May bibilhin kasi ito, nagpapasama sa kanya. Wala namang problema sa kanya yon, wala din naman akong gagawin after class.

And beside, Its been a long time since I last shop at the mall. Hehe, plano ko na din kasing mag bumili ng mga damit. Total naman andito na kami.

"May bago ba?" naitanong ko kay Dolly. Nakita ko kasi sa taas na may nag co-construct.

"Hm,baka may renovation. Halika na, baka may mahulog pa mula sa taas, matamaan pa tayo." si Dolly na nauna na sa kanya.

Ito talagang si Dolly napa ka paranoid. As if naman. Aalis na sana ako ng may napansin akong tao sa kabilang lane.

Parang may itinuturo ito. May sinasabi ito pero hindi ko naman marinig kasi nga malayo ito. Itinaas taas nito ang kamay na parang traffic officer.

Hmm, kailangan kaya nito ng tulong? Or what?

Tinignan ko ang tinuro nito. Nang tignan ko ang taas, ay andon pa rin yong mga nag co-construct. Wala namang kakaiba. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kabilang lane. Wala na yong tao.

Ano yun? Prompt?

Weird.

Aalis na sana ako ng may biglang sumigaw.

"UMALIS KA DYAN!!!!!!!!!!!!!!!!!...."

Pakiramdam ko parang naging slow motion ang lahat. Paglingon ko sa sino mang sumigaw ay may biglang yumakap sa akin. Dahil sa lakas ng impact ay pareho kaming napatumba.

Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa saminto. Pero, wala akong naramdamang sakit dahil maingat akong hiniga ng taong yumakap sa akin. Yakap ng isang braso nito ang katawan ko, samantalang ang isang kamay nito ay maingat na nakahawak sa ulo ko.

Narinig ko pa ang pag igik nya na para bang may masakit dito. Pero hindi iyon ang kinalaki ng mga mata ko. Parang biglang tumigil ang pag tibok ng aking puso. Nasasaktan ako. Hi-hindi ako makahinga.

"BOOOOOOOOOGSSSSSS!!!!!!!!!!"

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!!!!....."

"TULUNGAN NINYO MAGMADALI KAYO!!!...

"OH MY GOD!!!...."

"911....911....."

"PRE !!!!!!!!!!......."

Oliver's  Pov

"Hey, you got a call."

" I told you, don't disturb me."

"But.....it said its important."

Malalim na napabuntong hininga ako. "Who's that?"

"Ace."

Pagkadinig ko sa sinabi nito ay napa upo ako ng tuwid. "Give me that." Inabot nito sa kanya ang phone. " Yes?"

"Hey man, tumawag ako dahil gusto lang kitang e-congratulate." Napakunot ang noo ko.

"What?" litong tanong ko.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon