Chapter 11: Sentiments

255 0 0
                                    

Chapter 11

Naalinpungatan ako. May narinig akong nagsasalita sa harapan ko. Sinubukan kung bumangon.

"Urgh."

Ang sakit ng katawan ko.

" Miss Servantis, wag nyo po munang pilitin." sabi ng nurse sa kanya. Inilalayan sya nito. Nang naka ayos na sya ay nagtanong ako.

" Ano pong nangyari." mahina kong tanong sa kanya.

Ang doctor ang nagsalita. " Nahulog ka sa mula sa 2nd floor, Buti na lang at sa parti kung saan may mga makakapal na halaman ka nahulog. Pasa at maliliit na sugat lang ang natamo mo. Don't worry, wala namang masamang nangyari sayong katawan."

Sinubukan kung ibuka ng maayos ang aking mga mata. Inaantok pa ako kahit may pakiramdam akong matagal tagal din ang tulog ko.

"Ilang oras na po akong natulog?"

"2hour" ang nurse.

"Sa-salamat, Pakiramdam ko naman ay maayos na din ako doc. Kailangan ko lang ng oras. Kailan po ako pweding lumabas?"

Tumango tango ang doctor. " Pag okay kana, tapusin lang natin ang huling gamot para sigurado."

"Salamat ulit doc."

Pagkalabas ng doctor ay binalingan sya ng nurse. " Andyan sa labas ang bisita mo. Kanina pa nga sila don eh, hindi lang sila pumasok para magpahinga ka ng husto." sabi nito.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. " Pwedi mo ba akong tulungang makatayo."

Tumango ito. Buti na lang daw hindi napurusan ang paa ko. Kadalasan pa naman daw sa nahuhulog ay yong paa ang nauunang napupurusan.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon