Chapter 7: Gloomy Day

281 0 0
                                    

Chapter 7

Ayaw tumigil ng luha ko. Tatlong araw. Tatlong araw  akong iyak ng iyak. Walang kahit na sino ang naglakas loob na lumapit sa akin sa tatlong araw na iyon para upain ang sakit at pagdadalamhati ko. Tatlong araw na hindi ako umalis sa tabi nya, hanggang ngayon, na lalamunin na sya ng lupa  para habang buhay mahimbing at mamahinga.

Inihulog ko sa kabaong nya na nasa ilalim ng lupa ang puting rosas, matapos magsalita ang  pari.

"Lolo." garalgal ang boses ko. Para akong napapaos, halos walang tinig na lumabas sa bibig ko.

Nangmatakpan na lahat ng lupa ang kabaong nya, ay napahagulhol nanaman ako. "Paki usap lolo, wag mo akong ewan.!" malakas na iyak ko. Wala akong paki alam sa mga taong nandon. Ang gusto ko lang ay makita ang lolo ko.

Ang ngiti nya...

Ang tawa nya...

Ang mga biro nya....

"LOLO!!!!!!"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. " Tama na yan Daniella. Wala na sya. " alo sa akin ni tita.

"NO HINDI!! AYAW KONG WALA SYA!!!" sigaw ko sa kanya,

" Tahan na, nasa poder na sya ni Lord, kasama ng mama mo." nanginginig na din ang boses nito.

" DI ISAMA DIN NYA AKO!!!! I WANNA SEE MOM! AYAW KONG MAIWANG MAG ISA DITO!! AYAW KO!!"

Niyakap nya ako. Hinimas himas ni tita ang likod ko.

" Ayokong wala ka dito Daniella. Pano naman kami." sabi nito. Naramdaman nyang umiiyak na din si tita.

Ang sakit lolo...

Akala ko ba, hindi mo ako sasaktan....

Bakit ngayon, pakiramdam ko parang pinatay mo ang puso ko sa sakit....

Bakit lolo...

Bakit,...

Nagyayakapan pa din kami ni tita, nang unti unting nagsialisan na ang mga nakiramay ng magsalita ito.

"Alam mo bang, napaka saya nya ng ipinakita ko sa kanya ang Marriage Certificate nyo ni Rio?" Natigilan ako sa sinabi ni tita. at unti unti, tumulo nanaman ng walang humpay ang luha ko.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon