Chapter 13: Second Punisher Executive

317 0 0
                                    

CHAPTER 13

" Dolly naman, diba may klase ka pa!" reklamo ko kay Dolly.

Mag iisang linggo mula na ng may nangyari sa akin. At sa buong linggong iyon, lagi nakabantay si Dolly na parang bodyguard ko.

"Dani, kailangan kitang protektahan, kaya naman sa abot ng aking makakaya ay pro-protektahan kita, kahit na isang halimaw pa yon."

"Hays, bahala ka!" pagsukong sabi ko na lang.

Umupo kami sa bakanting upuan sa canteen. Marami ng mga estudyanting tumatambay, kasi nga lunch time na. At tulad ng last time na napunta ako dito, ako na naman ang topic. I cross my legs at pasempling sinuklay, gamit ang kamay ko, ang mahaba kong buhok.

"Dani, bakit ba ang iiksi ng mga suot mo?"

"Pwedi ba Dolly, Noon pa man talagang maiksi na akong manamit."

"Pero kasi naman, pinagtitinginan tayo ng mga tao dito." mahina nitong sabi.

"Don't mind them. Hindi ka pa ba nasasanay. Naiinggit lang ang mga yan kasi, hindi nila kayang magsuot gaya ng mga sinusuot ko, kasi nga hindi sila maganda."

Napakamot nalang ito sa ulo.

"Bakit kaya wala pa silang ginagawa. Mag iisang linggo na Dani."

Nagtataka din ako. Ang to think si D.O pa.

Nilingon ko si Dolly. " Akala ko ba nag aalala ka. Bakit ngayon nag re-reklamo ka na."

Inirapan lang sya nito. " Nakakapagtaka kasi. Si Link noon, halos mag kasunod na araw may nangyayaring masama sa kanya. Baka naman may pinaplano sila." 

"Baka naman takot na sila dahil binabantayan mo ako. Lakas kaya ng backer mo." biro ko sa kanya.

Pinanlakihan lang sya nito ng mga mata.

Imposible ang sinabi ni Dolly. Gumagalaw ng mag isa ang isang punisher. Wala pang pumapalya sa mga Punisher ng Executive. Hm, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano.  Napalingon silang dalawa ni dolly ng biglang nagtilian ang mga kababaihan sa canteen.

" OOOOooooooooh Mmmmmmmy GOOOOooooooSh!!! "

" Diba si Oliver yon!!!!"

" Sis, nakita mo yong bagong commercial nya?!"

"ANG SEXY!!!!!!"

 "iiiiiiiiiiihhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon