Chapter 4: Daniella Ella Servantis

383 2 0
                                    

CHAPTER 4

"RIO! BUMABA KA NA DITO, NAKAHANDA NA ANG ALMUSAL." malakas na sigaw ko kay Rio na nasa kwarto pa nito sa taas.

Ehem, sa mga nagtatanong, ako nga pala si Shannon King Creg, ang nag iisa at bukod tanging pamilya ni Rios King Creg. Nakakatanda nya akong kapatid.

Alam nyo bang mula bata ako ang nag alaga sa kanya.

Sniff.

Pasensya na, hindi ko mapigilang maging emosyonal. Alam nyo kasi, ako ang nagpalaki sa sarili kung kapatid. Alam nyo yung feeling na wala kanang mga magulang. Tapos naiwan sa mga braso ko ang umiiyak na isang buwang sanggol. Sa mosmos kung isip, hmm mga limang taon palang ata ako non. Tinuruan ko na ang sarili kong magpatahan ng bata kahit na nga ang sarili kong iyak ako ng iyak.

It was a sad story of mine. I-i was-

Ka lalaki kong tao, pero para akong nanay para lang alagaan ang kapatid ko. Kung kinakailangan ko pang magdaster gagawin ko, magampanan ko lang ang tungkulin ko bilang isang nanay sa kanya. Kahit na iniisip ng lahat na nababading sila sa akin bahala sila.

"Anong ginagawa mo?" si Rio na kababa na pala.

"Oh, Rio - Bakit hindi ka pa naka bihis?" tanong ko. Sa pagkakatanda ko may klase ito ng 8 pag martes. Tinignan ko ang orasang nakasabit sa dingding. 7 15 na.

"Rio, hindi ka ba papasok ngayon? Pangalawang araw mo pa to sa Queen University diba?" -ako

"Parang ayaw kong pumasok ngayon." gloomy nitong pagkasabi.

Biglang umandar ang pagiging mother instinct ko. Kahit hindi naman ako ang nanay.

"Bakit Rio, may masama bang nangyari? May nag bu-bully ba sayo don? Inaaway ka ba nila?"  siguro dapat kong tawagin ang chairman ng Queen University para pangaralin ang mga estudyante nito.

"Wag kang oa Shan. Nakakakilabot ka."  blangko nitong sabi sa akin na kinasakit ng malambot kong puso.

"Baby naman."

Tinapunan  sya nito ng matalim na tingin.

Haha minsan kasi baby ang tawag ko sa kanya.

" Maliligo na ako." paalam nito at bumalik sa silid nito sa taas.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon