Chapter 6: The Beginning

335 1 0
                                    

CHAPTER 6

"JACK STOP IT!!!" sigaw ni Black at dali daling nilapitan ang lalaking nangahas humalik dito. Bumandira ito sa sahig matapos ko syang suntukin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Anong karapatan nitong halikan ng ganon si Black?! Buong buhay ko hindi ako nangahas na gawin yon kay Black.

Hinablot ko ang braso ni black. " Halika ka na hayaan mo na ang gagong yan dyan." aniya.

Iwinasiwas ni Black ang braso nito. " Pwedi ba, tumigil kana." tumayo ito at galit na galit syang hinarap.

Bakit? ano bang ginawa ko. Diba nga dapat na magpasalamat ito dahil sa ginawa ko.

"Pwedi ba Black. Kung may ginagawa ka nanamang kalokohan itigil mo na to. Why dont you just apologize to white at ng matigil na ang away nyong dalawa. Kung magpapaliwanag ka sa kanya, siguradong mapapatawad ka nya. Tutulungan kita."

Patuyang tumawa ito. " Patatawarin nya ako?" nakangising tanong nito. " Don't you think its so late Jack. At bakit ko yun gagawin?, E alam naman nating pareho, na sadya ko talagang inakit si MIke."

Naikuyom ko ang aking kamay. "Itigil mo na to. Black, please, bumalik na tayo sa dati. Yung Black na laging nagbibiro, nakangiti at hindi yong parang may banta ang bawat sasabihin. Naintindihan ko. Okay, napapatawad na kita. Just come back to us. " paki usap ko sa kanya.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi jack?, Hindi na ako babalik.  Nang araw na yon, napagtanto kong pagud na akong makipag laro." malumanay nitong sabi.

"Why?"

"Dahil ba sa sinabi ko sayo?, Kalimutan mo nalang kong ayaw mo."

Umiling ito. "Im sorry." tinalikuran nya ako at nilapitan ang lalaki.

"Alam mong hinding hindi ka makaka alis ng ganon lang."

Bahagya syang nilingon nito. " Alam ko. Diba ba ako nga ang gumawa ng batas na iyon?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. " Na syang dahilan, kung bakit umalis ng Queens si Link."

" Kung ganon, Maghanda ka na rin." tinalikoran ko ang mga ito at naglakad palayo.

" Ano sa palagay mo ang pinunta ko dito Jack? Hindi ako duwag para hindi harapin ang parusa ng isang traydor." Dinig pa nyang sabi ni Black.

Mr and Mrs DollarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon