Chapter 1: Aswang (Part1)

1.4K 21 2
                                    

Sinasabi nilang ang lalawigan daw ng Capiz ay pinamumugaran ng mga aswang. Bento-dos anyos na ako ngayon, at doon ako lumaki. At hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakita o nakaramdam na meron ngang aswang. Para sa akin, isa lamang ito likha ng malawak na imahinasyon ng tao... mga katutubong paniniwala... 

At ngayon ay handa akong patunayan iyan sa mga kaibigan ko. Patungo kami ng Capiz at doon kami magbabakasyon. Summer break na naman at talagang kailangan ko ng change of environment. Masyado ng polluted ang Manila, sobrang ingat at ang daming tao. Sa isang katulad ko na lumaki ng probinsya, sanay ang katawan ko sa tahimik na lugar, na pagsapit pa lang ng alas-singko ay nasa bahay na ang lahat. Sa pagtuntong ng alas-sais o alas siyete ay tulog na ang lahat.

  

Dito sa Manila, ang gabi ay ginagawang umaga at ang ang umaga ay ginagawang gabi. Tulad na lamang sa nauusong trabaho ngayon sa call center. Ang lahat ay gising sa gabi, tapos sa umaga naman sila tulog. Hay.. Ang buhay nga naman... 

"Oh, ano sigurado ba kayo sa gagawin nating ito?" tanong ni Mark sa mga kaibigan.

"Mark, ano ba?! Kanina ka ba nananakot eh!" sabay bato ng isang unan ni Jessa sa lalaki.

"Guys, guys! tama na iyan. Tuloy tayo, ako ang bahala sa inyo! Hindi totoo yang mga naririnig ninyo. " anya ko sa aking mga kaibigan. 

May pito kaming umuwi ng aming probinsiya. Sa tiyahin ko kami manunuluyan pag-uwi namin. Naibenta na ni Mama ang aming bahay sa probinsiya mula ng madestino si Papa sa trabaho dito. Malawak ang bahay na aming titirhan. Maykaya ang Tiyahin ko sa aming lugar. May 5 ang silid sa bahay na ito at tanging siya na lang ang naninirahan dito. Hindi na nag-asawa pa si Tita Sonja. Minsan na itong nabigo sa pag-ibig at hindi na muling sumubok pang magmahal. 

 "Dumating na pala kayo Roy?" anya ng isang babae na tantiya ko ay nasa early 30's niya. 

"Ma-magandang araw po?" pautal kong tugon. 

May hawig ang babaeng nasa aking harapan sa aking tiyahin. Pati sa pagngiti nito na lumilitaw sa magkabilang psngi ang dimples. Pero, ang tiyahin ko ay mga nasa sizty years old na. Pwede kayang hindi ko na namalayang nagkaroon pa pala ng anak si Tita Sonja, ang naisip ko... 

"Hindi mo ba hahalikan ang Tita mo, Roy?" pabirong sabi nito bago tuluyang yakapin ang pamangkin. 

"Tita?! Ikaw po ba yan? Ba-bakit ang bata mong tignan?" namamangha kong sabi sa Tita ko. 

"Ito talagang pamangkin ko, oo.. Science, Roy... Ako't bunga ng Science... Ha ha!" at tuluyan na itong natawa. 


Naaliw ako sa sinabing iyon ng aking Tita.. Ang dating tahimik at mahinhin kong Tiyahin ay heto at halos kalahati ng dibdib eh nakalitaw sa suot na shirt. Isang maiklling shorts naman ang suot nitong pang-ibaba. Napalingon tuloy ako sa tatlo kong kaibigang lalaki na alam kong mga manyakis at malamang eh hinuhubaran na ang tiyahin ko.. 

"Hoy! Tita ko 'to!" sabay hampas sa mga mokong ng dala kong bag.

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon