Chapter 2: White Lady (Part 3)

464 6 0
                                    

Isang buhay, kapalit ng sa aking kapatid.. Mag-aalas tres ng madaling araw ay nagsindi ako ng apat na kandila sa hapar ng salamin ng aming tokador.. Kailangang makita ko ang mukha ng white lady.. Kailangang makapasok ako sa kanyang mundo.. 

Buhay ko.. kapalit ng sa aking kapatid.. 

Isang sulyap ang ipinukol ko sa aking mga kapatid at magulang.. Ito na marahil ang huling beses na makikita ko sila.. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kung kaya't kaya kong isakripisyo pati ang sarili kong buhay para sa kanila.. 

Sinindihan ko ang mga kandila at sinimulan ang orasyon para magbukas ang lagusan patungo sa mundo ng kawalan.. Ililigtas ko ang kapatid ko.. ililigtas ko si Neng.. 

Matapos kong ulit-ulitin ang orasyon ay may liwanag na lumitaw sa salamin.. May takot akong nararamdaman.. hindi ko alam kung ano ang makikita ko sa kabilang bahagi ng lagusan.. Ngunit, kailangan ko itong gawin.

Una ay isang kamay ko muna ang aking ipinasok.. Hawak ang isang kandila sa aking kabilang kamay ay unti-unti akong pumasok sa lagusan.. At muli itong nagsara ng tuluyan na akong makapasok sa lagusan.. 

Madilim ang paligid.. Bahagya ang liwanag na naidudulot ng kandila na aking dala. Tinignan ko ang paligid.. Nasa tenement pa din ako.. Ngunit parang nasa ibang dimensyon ako.. Ganito daw talaga sabi ni Lola... susubukin akong linlangin ng kaluluwan ito...

"Neng.. Neng nasaan ka?" tawag ko sa aking kapatid. 

May impit na iyak akong narinig.. 

"Neng... Neng..." muli kong tawag. 

Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin.. Halos mamamatay na ang sindi ng aking dalang kandila. Kung di ko pa ito natakpan ng isang kamay ko ay tuluyan na akong lalamunin ng kadiliman.. 

"A-ate..." isang impit na iyak.. 

"Neng!!! Neng, nasaan ka?"

""Ate, tulungan mo ako.." panaghoy ng aking kapatid. 

"Nandiyan na ako Neng.. Hintayin mo ako.. Nandiyan na si Ate..." sabay takbo ko sa ikatlong palapag na waring doon nanggagaling ang boses ng aking kapatid.. 


"Ate..."

Sa aming kuwarto.. Bahagya pang nakabukas ang pinto.. Ngunit, sobra ang kadilimang bumabalot dito.. Unti-unti ko itong binuksan at muling tinawag ang pangalan ng aking kapatid.. Ngunit, walang sumasagot.. Nagmadali akong pumasok ng muli ay may marinig akong impit na iyak.

"Neng!" ang tawag ko sa aking kapatid.

Noon ay waring nakatali siya sa aming papag.. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinalas ang mga tali sa kanyang mga kamay at paa. 

"Bilisan mo ate.. bilisan mo.. parating na siya.." takot na takot na sabi sa akin ng aking kapatid. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon