Chapter 5: Engkantada (Part 1)

656 16 0
                                    

Isa sa pinakapaborito ko noong bata pa ako ay ang pagkukuwento sa amin ni Lola Tasya ng mga kwentong nakakatakot. Mahusay magkuwento si Lola. Minsan nga pati sa pagtulog ay napapanaginipan namin ang mga kwento niya. Madalas din ay may mga kuwento siya tungkol sa pagmamahalan o dili kaya ay sa iba pang kababalaghan sa paligid. 

Sa probinsiya kami nakatira noon, malapit kina Lola. At sa tuwing matapos ang aking klase ay doon ako dumidiretso sa kanila. Buhay pa noon si Lola. Actually, halos lahat kaming magpipinsan ay nagkikita-kita doon matapos ang klase. Hindi maubusan ang aming Lola ng mga kuwento. At ang bawat isa ay aming pinananabikan. 

Matagal na ding hindi ako nauwi ng probinsiya. Ang huli kong uwi ay may apat na taon na din. Simula ng mag hisgschool ay di na ako nauwi sa amin. Next year ay first year college na ako, kaya naman pinaunlakan kami ni Papa na makauwi ng probinsiya. Na-mimiss na din niya ang kanyang inang, lalo na ang bukirin nila at sariwang hangin. 

Sobrang excited ko sa aming pag-uwi. Uuwi din ang akin mga pinsan, kung kaya't parang reunion ito ng aming pamilya. At tiyak mamayang gabi ay magtitipon-tpon na naman kami sa paanan ni Lola para makinig ng kanyang mga kuwento. Matanda na ako kung tutuusin na makinig pa sa mga ganoong bagay, pero hindi din naman kasi ako masyadong nag-eenjoy sa mga bagong gadget ngayon. Kahit na nga ang maglaro ng mga computer games ay di ko kinahiligan. Mas lalo naman ang facebook. Pakiramdam ko "too much" information na ang pinapakita ng mga tao. 

***

Halos magkakapanabay kaming dumating ng iba kong pinsan. Tuwang-tuwa akong makita silang lahat. Malaki ang aming angkan. Ang akig Tiyo Danny ay may anim na anak, sina Auntie Delia naman ay may llima. Sina Auntie Tessie ay may walo at ang pinakakaunti ay ang kina Tiyo Mark, tatlo lang ang naging anak nila. Palibhasa ay nagkakaroon ng gestational diabetes ang kanyang asawa, kaya noong huli ay nagpatali na ito. Kami naman ay apat na magkakapatid, at ako lang ang babae sa amin. 

Tuwang-tuwang nagsimulang magkuwentuhan ng aking mga tiyahin at tiyuhin, samantalang kami namang magpipinsan ay umakyat panandali at pinuntahan ang aming Lola. Medyo nag-alala kami nang makitang nakahiga ito ay may nakakabit na nebulizer. Mainit kasi ngayon, kaya malamang hinihika na naman si Lola. 

Bahagya pa itong kumaway sa aming lahat ng makapasok na kami sa kanyang kuwarto. At matapos ang kanyang pausok ay sinenyasan ang kanyang nurse na maaari na munang lumabas. 

"Kamusta po, Lola?" ang unang tanong ni Kuya Noel. 

"Ma-mabuti naman apo. Kayo? Bakit ngayon lang ninyo ako muling dinalaw?" may lungkot sa mga mata ni Lola. 

"Sorry, Lola. Talagang naging abala lang po kami sa aming mga aralin." sabay hawak ni Ate Leila ng kamay ni Lola. 

"Sorry, Lola." ang segunda ko sa aking pinsan. 

"O siya, siya.. okay na si Lola. Masaya na ako at nandito kayong lahat sa aking tabi... Natutuwa akong makita kayong lahat.. Ang lalaki na ninyo. Ito yatang si Monching na ang pinakabat, ano?"

"Opo, Lola. twelve years old pa lang po ako."

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon