Chapter 5: Engkantada (Part 3)

599 21 4
                                    

"Isang araw ay muling bumalik ang estranhero sa kagubatan.. Naglangoy ito sa batis na malapit sa kuwebang sinasabing pinaninirahan ng engkantada. Ngunit, waring hindi ito natakot na makita o makadaupang-palad niya ang mahiwagang babae. Handa na sana ang engkantada na magpakita sa estranghero, ngunit napigil ang kanyang paglitaw ng may ilang kalalakihan ang biglang tumambad sa harapan ng lalaki. May mga dala itong armas.. Narinig niya ang sigawan ng mga lalaki at ng estranghero.. Nakita niya nang hawakan ito ng dalawang lalaki at undayan ng ilang suntok ng matangkad na lalaking nakasuot ng sumbrero..."

"Ilang ulto siyang pinagsusuntok at pinagsisipa ng mga lalaki... Hindi makalapit ang engkantada.. Pinigilan siya noon ng kanyang mga kaibigan lambana na makialam sa nagaganap.. Hindi sila pwedeng manakit ng tao, kahit na ano pa ang gawin ng mga ito sa kalikasan, lalo na sa lalaking taga-lupa. Napaiyak na lang siya sa nakita niyang paghihirap ng estranghero. Gustuhin man niyang iligtas ito sa tiyak na kapahamakan ay hindi niya magawa.." napahinto si Lola at di mapigil ang kanyang pag-ubo.. 

Bahagya naman kaming nag-alala sa nangyayari kay Lola. Narinig ko pang sabi ni Kuya Ruben na huwag na munang ituloy ang pagkukuwento ni Lola at baka kailangan na nitong magpahinga. Ngunit, sumenyas si Lola sa aming lahat.. Humigit ng hininga at sumandal sumandali sa kanyang tumba-tumba.. 

"Masyado kayong nag-aalala sa akin.. Sabi nga, kalabaw lang ang tumatanda.."

Bahagya pa kaming nagkatawanan sa sinabing iyon ni Lola. May katigasan din ang ulo ng Lola ko. Kapag may isang bagay siyang gustong mangyari ay hindi siya mapipigilan ninuman.. Kung alam niyang kaya niyang gawin ang isang bagay ay siya mismo ang gagawa nito. Ayaw niya ng tinatrato siyang walang silbi.. 

"Nasaan na ba ako sa iknukuwento ko?  Aaahhh.. Walang nagawa ang engkantada kundi ang pagmasdan ang pananakit na ginawa ng mga lalaki sa estranghero... Duguan ito at halos wala ng buhay ng iwan nila sa batis.. Nang masigurong nakalayo na ang mga lalaki ay lumapit ang engkantada sa estranghero. Noon lang niya napagmasdan ang lalaki.. Noon lang nakita nito ang kanyang anyo.. Tinulungan siya ng kanyang mga puno na dalhin ang lalaki sa kanyang kubo. Dito ay ginamot niya ang mga sugat nito. Dito ay pinaghilom nila ang kanyang nadaramang sakit..."

"Ilang araw ding walang malay ang estranghero.. At sa ilang araw na iyon ay hindi umalis sa kanyang tabi ang engkantada. Sa tulong ng kanyang mga kaibigang lambana ay unti-unting nanumbalik ang lakas ng lalaki. Nang araw na magmulat ito ng mata ay hindi na nagtangka pang magtago ng engkantada.. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita siya sa isang taong taga-lupa. Laking pasasalamat ng estranghero sa ginawa nitong pagliligtas ng kanyang buhay. At ganun din naman kalaki ang pasasalamat ng engkantada sa lahat ng ginawa ng lalaki upang maibalik ang kagandahan ng gubat..."

"Naging masaya ang engkantada sa piling ng lalaking taga-lupa.. Masayang kasama ang estranghero. Marami itong mga kuwento sa kanya.. Marami siyang natutunan sa taga-lupa. Hindi nagtagal ay nagkahullugan sila ng loob at nagkaibigan..."

"Ang sweet..." ang sabi ng ilang pinsan kong babae.

"Ang pag-ibig nga naman..." anya ni Kuya Ruben na siyang pinaka-makaluma sa lahat sa aming magpipinsan. 

"Hindi naging madali ang kanilang naging relasyon. Hindi sang-ayon ang lahat sa kanilang pag-iibigan. Sa iniwan sa kanyang batas ay hindi siya kailanman maaaring umibig sa isang tao.. sa isang taga-lupa. Labis itong ikinalungkot ng engkantada. Mahal na mahal niya ang lalaki.. At alam niyang mahal din siya nito.."

"Isang taimtim na panalangin ang inusal ng dalawa kay Amang Bathala.. Isang panalanging humihinga ng basbas mula dito.. isang pahintulot na maituloy nila ang kanilang pag-iibigan. At sa wagas na pag-ibig na kanilang nadarama sa isa't isa ay binibisyunan ni Amang Bathala ang kanilang pagsasama. Ngunit, may isang dapat na isaalang-alang.. Bababa sa mundo ng mga taga-lupa ang engkantada at mamumuhay bilang tao. Iiwanan niya ang gubat at mawawalan siya ng kapangyarihan... Mamumuhay siya bilang isang normal na tao..."

"So, ano po ang ginawa niya? Sumama ba siya doon sa guy?" ang singit na tanong ni Ate Chloe.

"Ano sa palagay mo? Siyempre! Sasama siya sa kanyang one great love!" napayakap pa si Ate Gina sa hawak na throw pillow. 

"Tama ka Gina.. Iniwan niya ang laht para sa lalaking kanyang minamahal. Hindi man na niya mabantayan ang gubat katulad noong engkantada pa siya ay ipinagpatuloy pa din nila ang adbokasiya na pangalagaan ang gubat, at magpalaganap ng kaalaman sa mga tao sa pangangalaga sa kalikasan. At dahil doon ay tuluyan nang nanumbalk ang kagandahan ng kagubatan, muli ay nagkaroon ng masaganang bunga ang mga puno.. at dumami at di na naubusan ng makakain ang mga tao sa paligid. Mula noon ay nagbago na ang mga taga-baryo sa pangangalaga sa inang kalikasan.."

"At hindi man na siya isang engkantada ay reyna naman siya sa puso ng lalaking kanyang pinakamamahal. At mula noon ay biniyayaan sila ng maraming anak at ng isang masaganang buhay. Salamat kay Amang Bathala." napansin kong bahagya pang tumingala si Lola sa langit.. Parang doon inuusal ang pasasalamat. 

"Sa tingin mo ba Lola, may pagsisisi ang engkantada sa kanyang naging desisyon?" tanong naman ni Kuya Raymond.

"Kahit kailanman ay wala siyang naging pagsisisi.. Naging masaya ang buhay niya bilang isang tao.. Sa piling ng kanyang asawa, mga anak at mga apo.." halos maiyak ako sa tinuran na iyon ni Lola. 

Tunay na isang napakagandang kuwento.. Isang kuwento ng isang tunay na pag-ibig.. magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan.. ngunit pinagtiyap ng iisang adhikain.. Mga pusong pinagtagpo ng panahon.. at pinahinog ng pagkakataon.. Isang wagas na pag-ibig.. Napasulyap ako noon sa larawan nina Lolo at Lola na nakapang-kasal.. Nakakatuwang isipin na parang kuwento lamang nila ni Lolo ang kanyang ikinukuwento.. 

Nauna nang pumasok sa kanya-kanyang silid ang aking mga pinsan... Kami na lang ni Mama ang naghatid kay Lola sa kanyang silid. Ngunit, hindi na ako pinapasok pa ni Mama, kaya na daw niya si Lola at kailangan ko na daw magpahinga at hating-gabi na... 

Bago pa man maisara ni Mama ang pinto ng kuwarto ay muli akong napasulyap sa kanya.. Hindi ako maaaring magkamali.. Unti-unti ay nag-iba ang anyo ng aking ina.. Noon ay nakasuot na siya ng isang puting-puting damit, may kulumpon pa ng rosas sa kanyang buhok na nagsilbing palamuti dito.. Nang sumulyap ito ay isang kindat lang ang kanyang ibinigay sa akin.. At ang lambanang kasama niya kanina ang nagsara ng pinto ng kuwarto ni Lola.. 

Napangiti na lang ako.. ngayon alam ko na ang totoo.. 

***

Kahapon ay nailibing na namin si Lola, katabi ng puntod ni Lolo.. sa paanan ng bundok.. Wala na ang Lola ko.. wala na akong maririnig na mga kuwento.. Ngunit, gayunpaman ay alam kong masaya na siya ngayon.. Kasama ni Lolo..

Pabalik na kami ng Maynila.. At doon sisimulan ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo.. At doon sisimulan ko din ang aking adbokasiya sa pagligtas ng mga kagubatan.. pangalagaan ito at ituring na isang yaman.. 

Gagawin ko ito... Alang-alang sa wagas na pag-ibig ng engkantada at ng estranghero sa kuwento.. alang-alang sa wagas na pag-ibig ng Lolo at Lola.. 

*** The End ***

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon