Chapter 2: White Lady (Part 1)

749 9 0
                                    

Tahimik na ang lahat ng makauwi si Tessa galing sa grocery na kanyang pinapasukan. Kanina lang ay nagkakagulo ang lahat. Kundangan nga at kinausap na ang lahat ng nakatira sa tenement na magsilipat na sa hinandang rellocation site na inihanda ng gobyerno para sa kanila. Ngunit, katulad ng karamihan, tutal ang kanyang ama sa binabalak na ito ng gobyerno... 

"Hindi Julieta! Dito ako lumaki at dito na din ako mamamatay!" galit na dinig kong sabi ng aking ama. 

"Pero, paano ang mga bata? Isipin mo nga, wala ding patutunguhan ang hindi mo pag-sang-ayon na lumipat tayo sa inihandang rellocation. Saan tayo titira kapag bumalik sila sa isang linggo at tuluyan nang gibain ang tenement?"

"Magandang gabi po. Mano po, nay, tay..." 

Naputol ang kanilang pag-uusap ng pumasok ako ng bahay. Waring nagpapakiramdaman... Nananatili lang akong tahimik, inilapag ang aking bag at nagtungo sa kusina para silipin ang mga kapatid kong naghahapunan. Sardinas at lamig na kanin ang nakahain sa aking mga kapatid.. Awang-awa ako sa sitwasyon namin.. Kundangan nga at dapat sana ay nag-family planning sina nanay at tatay..Pito kaming magkakapatid. Isa o may dalawang taon lang ang pagitan ng bawat isa. Isang malalim na buntung-hininga lang ang aking pinakawalan... 

"Ne, kumuha ka pa ng isang pinggan, paghatian na ninyo itong pansit na uwi ko..." anya ko sa aking pangalawang kapatid. 

"Yehey! may pansit!" anya ni Boyet. 

"Ate. kanina kinuha ni Boyet ang ulam ko..." sumbong naman ni Rina.

"Boyet..." 

"Eh, di kasi ate, kasya sa akin ang ulam ko eh..." pagpapaliwanag nito sa kanyang ate.

"Tama na yan, sige na... heto na ang pansit. Magsikain na kayo. Ne, ikaw na maghati ng pansit para sa kanila, tirhan ninyo sina nanay at tatay. Magbihis lang ako.."

Napailing na lang akong lumabas ng kusina. Ganito ang buhay ko araw-araw... Nakakapagod, pero masaya na din ako at may matatawag akong sariling pamilya. Palagi mang nagkakagulo ang mga kapatid ko sa pagkaing nakahain, eh di ko din naman sila masisisi... Madalas naman kasi ay kulang ang pagkain sa mesa. 

Naglalaba lang si nanay at si tatay naman ay umeekstra lang mag-karpintero. Kapag walang tawag, walang kita. Kaya nga laking pasasalamat ko ng ma-regular ako sa pinapasukan kong grocery. Iniiiwasan ko din ang mangutang at ng mahawakan ko ng buo ang sahod ko... 

Napatingin na lang ako sa salamin ng aming tokador, napaupo, at sinuklay ang mahaba kong buhok.. Mukha na akong matanda sa edad kong bente-dos... Sinipat-sipat ko pa ang aking eyebugs... ngunit laking gulat ko ng may biglang lumitaw na isa pang mukha sa tabi ko... 

"Aaaaahhhhh!!!" ang sigaw ko sabay labas ng pinto ng aming kuwarto. 

"Ano yon?" tanong sa akin ng aking ina. 

"May babae sa kuwarto.. May multo..." anya ko na nakangunyapit pa sa aking ama. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon