Chapter 2: White Lady (Part 2)

447 7 0
                                    

Agad naman kaming pinauwi ng doktor na tumingin kay Neng.. Para naman kasi itong nagdahilan lang. Ilang beses din namin siyang tinanong kung ano ang nangyari sa kanya, ngunit waring wala siyang maalala.. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod na lang sa utos ng doktor, marami pa kasing pasyente ang naghihintay na matignan kanina sa emergency ng pampublikong ospital na aming napuntahan. 

"Magpapahinga na muna ako, ate.." ang paalam ni Neng sa akin pagdating namin sa bahay. 

"Sige na, gisingin na lang kita kapag nakaluto na ako. Boyet, pakihatid mo nga ang kapatid mo sa kuwarto."

"Sige, ate. Halika na Neng." sabay alalay ni Boyet sa kapatid namin. 

"Ano ba itong nangyayari sa atin?" napapaiyak na sabi ng nanay ko. 

"Hi-hindi ko din alam..." sabay buga ni tatay ng usok ng sinindihang sigarilyo. 

"Magluto muna po ako.." paalam ko sa kanila. 

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tulad ni nanay ay hindi ko na din maintindihan bakit namin nararanasan ang ganitong bagay o pangitain. Matagal na kaming nakatira sa tenement, pero ngayon lang namin ito naranasan. Puro mga kwento lang at sabi-sabi. Pero, ngayon parang sila naman ang pakay ng white lady. 

Napatanaw na lang siya sa bintana sa may kusina nang mapansin, na parang nasa ibaba si Neng... Agad siyang napatakbo palabas ng kusina. 

"Boyet! Si Neng?" tanong ko sa kapatid kong nagbabasa noon ng libro.

"Iniwan ko sa kuwarto. Bakit, ate?" 


Tinakbo ko ang kuwarto namin at doon hinanap si Neng.. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko na mahimbing na natutulog ang kapatid ko sa aming papag.. Isa na namang guni-guni... Tatalikod na sana ako ng matanawan ko ang anino ng white lady sa salamin ng aming tokador... 

"Ano ba talagang kailangan mo sa amin?" pasigaw kong tanong na hindi ko naman alam kung sasagutin ako ng nilalang na aking nakikita. 

"Sino ba ang kinakausap mo diyan Tessa?" anya ng aking ama.

"Hindi ninyo po ba siya nakikita?" turo ko sa salamin ng aming tokador. 

"Sino? Ano bang pinagsasabi mo?" may takot na sa mga mata ng aking ina. 

"Tay, yung white lady... Hayan sa tabi ni Neng..."

"Tumigil ka na nga Tessa, wala kaming nakikita..." paliwanag sa akin ng aking ama. 

Nang mapatingin ako sa kinatatayuan ni Boyet ay namumutla na ito... parang takot na takot...

"Bakit, Boyet? Nakikita mo din siya?" sabay lapit ko sa aking kapatid. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon