Chapter 1: Aswang (Part 2)

851 15 2
                                    

Tanghali na ng magising ako, mainit na ang sikat ng araw na noon ay tumatama sa aking mukha. Wala na akong kasama sa kuwarto. Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng pinto. Parang pagod na pagod pa din ako. Parang hindi naging maayos ang aking pagtulog. Ngunit, wala akong maalala, kundi ang pagbaba ko ng hagdan kagabi.. 

Naabutan kong nag-aalmusal na ang mga kaibigan ko kasama si Tota Sonja. Sinenyasan pa ako ng Tita ko na maupo na at kumain. Hindi halos siya makapagsalita sa kata-tawa. Malamang ay bumabangka na naman si Mike, ang komedyante ng grupo. Napasulyap ako kay Ruben na noon ay tahimik lang sa pagkain.. Parang may iba sa ikinikilos ni Ruben.. Pero, wala naman akong maalala. Sumenyas lang ako sa kanya na waring nagtatanong, ngunit nagkibit lang ito ng balikat at bumalik na sa pagkain. 

"So, saan mo sila balak ipasyal, Roy? Maliligo ba kayo sa talon?" usisa sa akin ng aking Tita. 

"Kayo? Gusto ba ninyo?" baling ko sa mga kaibigan ko. 

"Siyempre naman, ano? Dito lang tayo sa bahay? Kailangan nating maglibot, pare..." anya ni Mike. 

"Oo nga, Roy. Sabi ni Tita, maganda daw yung talon na palagi mong pinapaliguan noong maliit ka pa.. noong okay lang sa iyo na walang salawal! Ha ha ha!" segunda naman ni Monica. 

"Si Tita talaga, binenta na ako sa mga kaibigan ko..." at pati ako ay natawa na din. 

"Ako, pass muna.. Parang masama ang pakiramdam ko. Pwede po ba akong mauna muna sa inyo. " sabay tayo ni Ruben sa kanyang kinauupuan. 

Isang tango lang ang naging tugon ng Tita ko kay Ruben. Waring may kaba namang bumalot sa aking puso ng makita kong waring may isinenyas siya kay Rosal. Pero, ewan ko ba... wala talaga akong maalala. 

***

Malamig ang tubig ng talon ng mga panahong iyon. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko sa paliligo. Ako naman ay nakaupo lang at kumakain ng matamis na pakwan. Napatingin naman ako kina Carla at sa iba pa naming mga kaibigan... Nakakamangha talaga ang kagandahan ng babaeng ito, naisip ko. 

"Hoy, Roy!!! Baka matunaw naman si Carla sa kakatitig mo!"  biro sa akin ni Mike. 

"Siraulo!!!" 

Hindi ko maiwasang tumingin muli kay Carla, pero nakaramdam yata ang babae at tumingin sa akin. Napakaway na lang ako at tinanong kung gusto na nilang kumain. Tumanggi naman ito... Hay, ang hirap naman ng nagito, hindi ko masabi sa kanya na may pagtingin ako sa kanya... Gusto kasi ni si Ruben... Dapat yata mawala si Ruben at ng masolo ko na si Carla! Halos batukan ko na ang sarili ko sa naisip kong iyon..

"G*go ka talaga Roy! Nag-iisip ka ng masama sa kaibigan mo!" galit na bulong ko sa aking sarili. 

"Aaaaaahhhhhh!!!!!" isang sigaw mula sa kinaroroonan nina Carla.

Agad naman akong napatayo ay agad na tumakbo papunta sa kanila. 

"Ano iyon?" kinakabahan kong tanong, 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon