Chapter 1: Aswang (Part 3)

682 15 7
                                    

Tama ba ang aking nadinig.. Nagpapasalamat si Tita sa paghahatid ko ng aming hapunan... Namin?

"Halika sa aking tabi, Roy..." halos hindi ako makakilos... May iba sa anyo ng aking tiyahin.. Parang mas lalo siyang gumanda.. parang may lalo siyang bumata... 

"Tita Sonja... Anong ibig sabihin nito?" hindi ko na naituloy pa ang paglakad patungo sa kinaroroonan ng aking Tiyahin. 


Laking gulat ko ng makita ko ang lalaking nakaharang sa aming sasakyan kanina.. Kasunod nito ang mga babae at lalaking humabol kay Rene... Nakangiti pa ang mga ito.. Ngayon, hindi ko makita ang bakas ng kakaibang mga itsura nito. Para sa akin, lahat sila ay naggagandahan at nagguguwapuhan.. Ang ganda ng hugis pati ng katawan ng lalaki at babae... Parang walang matanda sa lugar na ito.. 

"Nakilala mo na pala si Ricky?" sabay halik ng Tita ko sa labi ng lalaki. 

"Huwag kang lumapit sa kanya, Tita! Aswang siya! Aswang silang lahat!!!" sigaw na sabi ko sa aking Tiyahin. 

Nagkatinginan at nagtawanan lang ang lahat ng nandoon.. Pati sina Rosal at Jasmin.. At laking gulat ko ng makita ko si Ruben na nasa kanilang tabi.. May kakaiba din sa itsura nito.. Parang may nagsasabi sa akin na kabilang na din si Ruben sa kanila... 

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" baling ko kay Jasmin. Noon ay parang nanumbalik ang alaala ko... Kinagat ni Jasmin si Ruben sa leeg kagabi.. Isa ring aswang si Jasmin. 

"Gusto ko siya.. Akin na siya.. " ang sabi nito, sabay halik sa labi ng aking kaibigan.. 

"Roy, please umalis na tayo sa lugar na ito.. Halika na..." ang sabi sa akin ni Carla, sabay hila sa aking braso. 

"Please, pare.. Halika na.... Ayoko pang maging hapunan..." segunda ni Roy.


Tatalikod na sana ako ng may kakaibang pwersang pumigil sa akin.. Muli ay napaharap ako sa aking Tiyahin.. Ngayon ay nasa harapan ko na siya.. Malapit sa aking mukha.. Malapit kay Carla... 

"Mahirap tumalikod sa sarili mong pamilya Roy..." sabay turo ng aking Tiyahin sa mga aswang na nandoon.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?" may pagtataka kong tanong. 

"Pagmasdan mo..."  

At doon ay bigla kong naramdaman ang paggulo ng aking sikmura.. Para akong masusuka na hindi ko maintndihan.. Kitang-kita ko ang pagbabago ng aking balat.. Parang isda na nagkakaliskis at gumagaspang.. Patuloy din sa paglago ang aking mga kuko at parang binibiyak ang aking ulo.. Napaluhod na lang ako sa sakit.. Parang naninikip pati ang aking dibdib, kung kaya't pilit kong pinunit ang aking suot na damit.. 

"Aaaaahhhhhhh!!!" ang sigaw ko.

Nang mahimasmasan ako ay pang nag-ba ang tingin ko sa palligid.. parang mas lumiwanag... parang mas tumalas ang aking pandinig.. Dinama ko ang aking ngipin ng maramamdan ko ang walang humpay na pagtulo ng laway mula dito... Matalim.. matulis na ang mga ito.. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon