Chapter 4: Barang (Part 2)

422 8 0
                                    

"She is fine. Just a minor allergy." sabi ng Doktor sa amin. 

"Just give her this medicines and she'll be fine." sabay abot ng isang reseta sa aking kamay. 

Medyo humupa na nga ang  pamamaga ng ilong ni Val, matapos siyang tusukan ng doktor ng kung anong gamot. Para akong nabunutan ng tinik. Laking takot ko kaya kanina sa aking nakita. 

"Salamat. Salamat at palagi kang nandiyan." halos pabulong na sabi sa akin ni Val. 

"Huwag kang mag-alala, palagi lang ako dito sa tabi mo. Kaibigan mo ako. "

Awang-awa ako sa sinapit ng kaibigan ko. Pero, minsan naiisip ko din na marahil ay kina-karma lang ang babaeng ito sa dami ng mga lalaking sinaktan niya. Sinaway ko ang aking sarili, hindi ako dapat mag-isip ng ganoon sa kaibigan ko. 

Nang maiayos ko si Val sa kanyang higaan ay inilapat ko din ang aking likod sa isang couch sa loob ng kanyang kuwarto. Pagod na pagod na din ako. Kailangan ng magpahinga. Nang makahiga ako ay kusa nang pumikit ang aking mga mata. 

"Angel! Angel! Tullungan mo ako!" napabangon ako ng gising sa sigaw na iyon. 

Si Val... Napatingin na lang ako sa kinahihigaan niya at agad akong bumangon. Laking gulat ko ng makita kong may kung anong bagay ang gumagalaw sa tiyak ni Val.

"Ano yan?!" ang tanong ko sa kanya. 

"Hi-hindi ko alam... Aahhhh... Masakit Angel!" napahawak ang isang kamay sa akin ni Val. 

"Ano bang nangyayari sa iyo?" napapaiyak na din ako sa pag-aalala. 

Pinilit kong abutin ang cell phone ko... Kailangang makausap ko si Vince. Kailangan namin ng tulong. 

Hindi naman lumipas ang kalahating oras ay nakarating na din ang lalaki sa condo ni Val. Napatingin na lang siya sa aking kaibigan. Noon ay nakatulog na si Val sa sobrang pag-iyak. Nakakalong ang kanyang ulo sa aking mga hita. Ayaw niya akong umalis sa tabi niya. Talagang takot na takot siya. 

"Hi-hini... hindi maaari ito..." napaluhod si Vince sa paanan ng kama ng kaibigan ko. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" 

"Si Jenny... alam kong si Jennya ang gumawa niyan kay Val..." pagsisimula nito. 

Inilatag ko ang ulo ni Val sa kanyang unan at iginiya si Vince palabas ng kuwarto. Ayokong marinig ni Val ang sasabihin ng lalaki. Tiyak na mas matatakot lang ito.. 

"Now, tell me..."

Hindi agad nakapagsalita si Vince, nakatamaw lang siya sa glass window ng condo. Waring nag-iisip. Nakikita kong napapailing na lang siya.. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon