Chapter 3: Sirena (Part 1)

545 11 0
                                    

Noong nagsabog yata ng kagandahan sa mundo, ay nakatulog ako. Hay.. Ang hirap pala ng ganito. Mag bente-tres ma ako ay wala pa din akong nagiging boyfriend... ni hindi man lang ako naliligawan pa. Halos lahat ng ka-edaran ko sa lugar namin eh nagka-boyfriend na o di kaya ay may pamilya na. Ako, ni isa wala... Ni isang halik sa pisngi ay di ko pa nararanasan... Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ka ng lalaki? Hay... Talagang sa pangarap na lang yata talaga ito...

"Hoy! Beatriz! Ano ba at nakatunganga ka diyan? Hindi mo asikasuhin ang paninda natin? anya ng aking ina na galit na galit. 

"Opo nay..." 

Isa ng routine sa akin ang araw-araw kong buhay. Mula ng pinahinto ako nina Nanay at Tatay sa aking pag-aaral ay dito na ako namamalagi sa tindahan namin ng isda. Isang mangingisda si Tatay at kami ni nanay ang taga-tinda. Wala kaming pwesto sa palengke, tanging sa bangketa lang kami malapit sa pamilihang bayan kami madalas pumuwesto. Mas maigi na doon, kaysa naman sa mga kapit-bahay namin na walang ginawa kundi ang mangutang... 

Dalawa ang aking kapatid na sa Maynila na pinag-aaral. Inggit na inggit nga ako sa kanila ng kanluin sila ng aming Tiyahin pauwi ng Maynila. Ipinaubaya na muna nina nanay ang pag-aalaga at pagpapaaral sa mga kapatid ko sa aking tiyahin.. Ang katwiran nila, ay mas mabibigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga kapatid sa Maynila. Hindi man nila naisip ang kinabukasan ko... Minsan talagang nakakatampo na... Pero, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako hanggang dito na lang.. Balang araw, ako naman ang mabibigyan ng magandang pagkakataon papuntang Manynila. 

"Matumal ang benta, palibhasa kanina ka pa nakatanga diyan!" galit na sabi ni nanay sa akin. 

"Pasensiya na po nay. Wag po kayong mag-alala at mauubos din yan... Suki, bili na kayo.. sariwa yan.. bagong huli ni tatay..."

Waring nagdilang-anghel naman ako at wala pang dalawang oras ay naubos na ang aming panina... Nakakatuwang isipin na nabenta na namin lahat ng nahuli ni tatay at may pang-ulam pa kami.. Nagliligpit na kami noon ni nanay para umuwi ng biglang dumating si Ka Lito.. 

"Lena... si Carding, sinugod ng ospital.. Bigla na lang natumba kanina!"

"Halika na Beatriz, puntahan natin ang tatay mo.." halos maiyak na si nanay sa pag-aalala. 

"Aling Carmen, kayo na muna po ang bahala sa mga gamit namin..." ang bilin ko sa kapit-bahay naming katabi naming magtinda. 

"Sige na.. mag-iingat kayo."

Nagmamadali kaming nagpunta sa ospital.. Wala pa ding malay si tatay ng aming datnan.. 

"Dok? Kamusta ang asawa ko?" ang tanong ni nanay sa manggagamot. 

"Inatake siya sa puso.. marahil ay sa sobrang pagod..." pagpapaliwanag ng doktor sa amin. 

"Gawin po ninyong lahat ang inyong magagawa, para gumaling ang tatay ko.." pakiusap ko naman sa kanya.

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon