Chapter 4: Barang (Part 3)

422 10 0
                                    

Hindi ako naniniwala sa mga ganitong bagay. Pero hindi ko din maitatanggi ang katotohanan, gayung nakikita ko na ito sa aking kaibigan. Nagsimula akong mag-research sa internet tungkol sa kulam at barang. Karamihan sa mga nakitang kong posibleng makatulong sa amin ay kung dadalhin namin sa isang pari at pabibindisyunan anng aking kaibigan ng holy water at ipe-pray over, o dili naman daw kaya ay dalhin sa isang albularyo, para kontrahin ang kulam o barang. Pero, may isang suggestion doon na nakapukaw ng aking atensiyon... Kailangan daw dalhin ang biktima sa pamilya ng nambabarang at sa kanila huminge ng tawad. At doon gagaling ang biktima. 

"Angel.. Angel.." tawag sa akin ni Val. 


Laking gulat namin ni Vince nang sa pagpasok namin ay sumusuka si Val.. sumusuko siya ng mga insekto... Takot na takot ako sa nakita ko. Si Vince ang unang lumapit kay Val. Binalot siya sa isang kumot at agad na binuhat.

"Halika na, kailangan na nating umalis!" 

Agad akong sumunod sa utos ni Vince. Hinablot ang isang bag na inihanda ko kanina, laman ang ilang gamit. Pupuntahan namin ang probinsiya ni Jenny. Sa kanyang mga magulang kami unang hihinge ng tawad.. baka sakaling sa kanila makinig ang kanilang anak. 

Naupo ako sa tabi ni Val sa likod ng sasakyan. Hawak ang aking rosaryo.. Matagal na akong hindi nagdarasal.. Matagal na akong hindi tumatawag sa Diyos... Ngayon, higit kailanman, kailangan namin ang tulong niya. At ngayon, higit kailanman, ay naniniwala akong tutulungan niya kami... Nagsimula akong mag-rosaryo ng malakas.. Na tinugon naman ni Vince. 

Ngayon napatunayan ko na hindi lang isang bawal na pag-ibig meron ang dalawa.. Mahal ni Vince si Val.. at iyon ay nakikita ko sa kanyang mga kilos at sa kagustuhang mapagaling ang aking kaibigan.. At natutuwa ako sa nakikita ko.. Sana lang malagpasan ni Val ang lahat ng ito.. 

Hindi naging madali ang biyahe namin, may ilang beses na sumusuka si Val. Diring-diri ako sa mga insektong halos nasa buong palligid na ng sasakyan.. Nakabukas na noon ang bintana ng sasakyan ni Vince, para mabawasan man lang ang mga insektong nagkalat dito. 

"Pagod na ako, Angel.. Please, tulungan mo ako.." dugo na ang iniluluha ng mga mata ni Val. 

Inabot ni Vince ang kanyang isang kamay sa aking kaibigan.. Pilit na hinawakan ito na waring pinapalakas ang loob ni Val. 

"Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. Hindi ka namin pababayaan..." sabay sulyap niya sa akin.

Matabang na ngiti lang ang isinagot sa amin ni Val.. May kung anong takot akong naramdaman.. Panalangin ko lang ay makarating kami sa aming paroroonan.. bago pa mahuli ang lahat. Napapaiyak na din ako sa ganitong isipin. Mahal na mahal ko din ang kaibigan ko at ayokong mawala siya sa akin.. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, para matulungan siya. 

"Nandito na tayo..." sabi ni Vince. 

Agad kinanlong ni Vince si Valerie.. Nakabalot pa din ito ng kumot... Ngayon pati ang tenga nito at ilong ay nagdurugo.. 

"Tao po.. tao poo.. tulungan ninyo kami..." tawag ni Vince bago pa man kami makarating sa pinto ng kubong iyon. 

The World of the UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon