3 weeks later...
ACQUIANTANCE PARTY NI SISSY...
"Bakit ka ba pumayag na sumama sa'kin dito? Panera ka lang ng moment eh" sabi ko sa kanya.
Ang supladong si Alexiel ang escort ko ngayon. Pano ba naman kasi sya ang pinakiusapan ni Papa na maging escort ko.
Kainis!
Hindi tuloy ako makapagpacute kay Jarrod. Panay pa naman ang tingin nya sa'kin.
Kahit kailan talaga oh! Minamalas ako!
"It's my responsibility to be your escort dahil fiance mo 'ko...and I'm warning you, stop looking to that guy" sabi nya kahit hindi nakatingin sa'kin
"Binabawalan mo ko?!"
"Yes"
"Why?"
"Alam na ng mga tao rito na engaged tayo. Masama sa reputasyon mo at repustayon ko kung makikipaglandian ka lang dyan sa lalaking 'yan"
Oo nga naman. Ayoko rin naman matawag na malandi kaya behave nalang ako rito.
Wala talagang idinulot na maganda ang engagement na to.
Nakapangalumbaba nalang ako sa table. Palibhasa, walang magawa kundi panoorin ang mga magkapares na nagsasayawan sa dance floor.
"Stop frowning, you look stupid"
Tiningnan ko sya ng matalim.
Nakakainis tlaga...
"Do you want to dance?" tanong nya
Awtomatikong napalingon ako sa kanya.
"Pardon?"
He rolls his eyes.
"I said, do you want to dance?"
Tama ba ang naririnig ko? Totoo ba 'tong mga nangyayari?
Si Alexiel, inaalok akong sumayaw?
Suntukin nyo nga ako para malaman ko if totoo ba to at hindi lang kathang-isip.
"Alright, now you look dumb"
Hinila na nya ako sa dance floor.
"T-teka, sandali..." sabi ko
"Ano?"
"Sure ka ba talaga?"
"Oo naman!"
"Marunong ka bang sumayaw?"
"Of course I do"
"Weee? Di nga?"
"Makaupo na nga lang ulit"
"Teka! Joke lang! Sige na, sumayaw na tayo" agad na bawi ko.
He holds my waist and I put my hands on his shoulder. Our bodies are almost 1 meter away from each other.
Wala kayang emotional attachment kaming dalawa. Nakakadiri naman if magdidikit pa ang katawan namin.
BINABASA MO ANG
I love you Mr.Supladito
Novela JuvenilWhat?!Engaged na ako sa isang lalaking hindi ko pa kilala at nakikita?! At this very young age?! Ano 'to? PBB teenS?!!!