"Bakit ka nandito?" paangil kong tanong sa kanya.
Hindi sya sumagot.
"Alam mo bang iniistorbo mo ang swimming pool moment ko?!"
Nanatili pa rin syang walang imik at nakatunghay lang sa'kin mula sa poolside.
"Bahala ka nga!" sabi ko at lumangoy palayo.
Sabado ngayon at habit ko na ang mag-swimming sa umaga. Ang ganda na sana ng morning ko eh! Dumating pa ang asungot na 'to! Ano kaya kailangan nya?
"Sissy!"
Hindi ko sya nilingon. Akala nya sya lang marunong mang dedma!
"Sorry"
Napahinto ako sa paglangoy.
"Ano?"
"I said I'm sorry"
Sorry?Wow!
Marunong palang mag-sorry ang damuhong 'to?! Umahon ako mula sa pool with my black and white stripe two-piece.
"Pakiulit nga---hey!"
Nahuli ko syang nakatitig sa katawan ko. Shocks! Nakalimutan kong naka-two piece lang pala ako!
Shit!
"Tumalikod ka nga! Harap-harapan mo pang pinagnanasahan ang katawan ko!"
Agad naman syang tumalikod. Kinuha ko ang robe at isinuot.
"Humarap ka na manyakis"
"Anong sinabi mo?!"
"Wala! O ano na? Ano na ulit yung sinabi mo?"
"I'm here to apologize, okay?"
"To apologize? Wow ha! Marunong ka pala nun?"
He rolls his eyes.
"Sorry na!"
"Yan lang ba ang ipinunta mo rito?"
"To tell you honestly, hindi naman talaga ako magso-sorry eh, if hindi lang dahil kay Mama"
"Ah ganun! Eh, wala na tayong dapat pag-usapan" sabi ko at akmang tatalikod. Pinigilan nya ang kamay ko.
"I said I'm sorry!"
Dinuro ko sya.
"Hoy! Kung magsosorry ka, dapat with feelings di yang tinataasan mo ako ng boses. Dapat sabihin mo 'Sissy I'm sorry, hindi ko sinasadya ang nangyari..please naman o' ganyan dapat"
"Ayoko nga!"
"Eh di wag! Galit-galit nalang tayo forever"
Marahas na bumuntong-hininga sya.
"Okay...Sissy, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari...please naman o...patawarin mo na ako"
Parang gusto kong i-video ito ah!
Napakainosenteng tingnan ngayon ni Alexiel! Once in a blue moon lang itong mangyari.
"Why are you smiling? Pinagtatawanan mo ba ako?!"
BINABASA MO ANG
I love you Mr.Supladito
Teen FictionWhat?!Engaged na ako sa isang lalaking hindi ko pa kilala at nakikita?! At this very young age?! Ano 'to? PBB teenS?!!!