Ang honeymoon nina Sissy at Alexiel part 2 (ang cheesy)

1.1K 17 1
                                    

4:30 pm...

"HI slimey!" bati ko sa color gray na pusa ni Alexiel. Sumampa ito sa kama at lumapit sa'kin.

"That's Slinky" pagtatama ni Alexiel.

"Hi Slinky" sabi ko at kinarga ang pusa. Ang cute-cute ni Slinky at malambing pa, hindi nagmana sa may-ari!Mabuti naman!

"Change your clothes, we're going to the beach"

"Beach?"

Itinuro nya ang tanawin sa labas.

Ah, oo nga pala! Nakalimutan ko na meron palang beach resort ang hotel na 'to.

"Magswi-swimming tayo?"

"Ay hindi! Mangangabayo tayo sa beach, gusto mo?"

Pilosopo! Inirapan ko sya. Ang lakas talaga mang-asar nang damuhong to!

"Were gonna enjoy our honeymoon together" sabi nya at nilapitan ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"

"Yes"

"Nilalagnat ka ba Alexiel? Bakit naman tayo mag-eenjoy sa honeymoon natin? AS if naman na---"

"Eh sa gusto kong mag-enjoy eh, kaya pagbigyan mo na ako...my baby" nakangiting sabi nya.

Whoa! Whoa! Did he just call me "my baby"?

"What?!"

"I said my baby"

Nasisira na ba ang ulo ng lalaking 'to para tawagin akong my baby?!

Ah...baka may isang ligaw lang na espirito na sumanib sa kanya!

"Kung sino ka man na masamang espirito ka! Lisanin mo ang katawan ni Lex ngayon din!" sabi ko at niyugyog pa talaga ang balikat nya. Tawa lang sya nang tawa. Kaloka! Ang ganda pakinggan ng pagtawa nya...napahinto tuloy ako sa ginagawa.

"Why did you stop my baby?"

"Gosh! What is wrong with you Alexiel? Nangingilabot ako sa'yo!"

"Ano bang masama kung tawagin kitang my baby? Eh asawa naman kita"

"Nasisiraan ka na ba Alexiel? O sadyang masaya at good mood ka lang ngayon kaya ako ang pinagtri-tripan mo? Birthday mo ba ngayon kaya masaya ka? Nanaginip ka ba ng maganda? ANo?"

"Well, tumawag ako kay Mama kanina, and she said Jasmine's condition is getting better"

Kaya naman pala...bakit ba hindi ko naisip yun? Jasmine is the only person in this world who can make Alexiel happy.

"That's good to hear"

Napapitlag ako nang akbayan nya ako.

"So, ano pa ang hinihintay mo my baby, magbihis ka na"

Gosh! Nagkakaroon ako nang goose bumps everytime tinatawag nya akong my baby! ANo ba yan!

"S-should I also call you my baby?"

"if you want to..."

Eewwwwww! I will never call him that way...

I love you Mr.SupladitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon