"Hmm kuya, pwede ba akong gumimik ngayon?" tanong ko kay Kuya Xian na noon ay busy sa pagpirma ng mga papeles.
"Saan?"
"DOon kami sa resort nila ni Chelsea, birthday kasi nya ngayon..."
"ANong oras ka aalis?"
"Ngayong 7 pm, pwede ba?"
"O sige, anong oras ka naman uuwi?"
"Hmm...bukas ng umaga"
Napahinto sya sa pagpirma at tumingala sa'kin.
"Hindi ka uuwi rito?"
"Parang ganun na nga, overnight kasi ang sabi ni CHelsea"
I bit my lower lip. Papayagan kaya ako ni kuya? Wala kasi sina Mama at Papa, kasalukuyan silang nasa Canada kasama si Tita Agnes, kaya ngayon kailangan kong humingi ng permiso kay kuya.
"Sige na naman kuya...minsan lang naman 'to"
"O sya! Sige na nga...,maswerte ka malakas ka sa'kin"
"Yes! Salamat kuya!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Basta, always be a good girl ha! Huwag kang iinom"
"Oo naman kuya! Promise!"
WHISKEYFLOWING DISCO BAR...
"Bakit tayon nandito? Eh akala ko ba sa resort tayo nila Chelsea magpa-party?" tanong ko kay Marjorie (isa sa mga friends ko) nang mapagtanto na nasa harap na kami ng isang disco bar.
"We're here to have fun...pagkatapos, doon tayo magrerelax sa resort nila ni CHelsea" sagot ni Marjorie
"P-pero, I promise kuya na hindi ako iinom...I promise him not to be a bad girl"
Tumawa si Janevhee
"Oh come on Sissy, you're already 18, nasa legal age ka na at tsaka, minsan lang namang mangyari 'to. Sa busy ba naman natin sa school, kailangan din natin ng leisure time and by the way, I miss you girls..." sabi ni Janevhee at isa-isa kaming niyakap.
Ito ang drama queen ng aming grupo. Actually, anim kaming mag-best friends...magkaklase na kami since high school pero ngayon, kami nalang ni Chelsea ang magkasama sa iisang university.
"OO nga! Ngayon lang ulit tayp nagkasama. Huwag ka ngang KJ SIssy! NAging engaged at sikat ka lang, naging KJ ka na!" si Jenybeth ang nagsalita.
"P-pero..."
"Si Chelsea ang may gusto na dito tayo magpa-party...and she's the birthday girl" si Bethywee naman ang nagsalita.
Napabuntong-hininga nalang ako...
"Sissy, let's just enjoy the night...hayaan mong tulungan ka naming makalimutan ang nangyari sa love life mo...with that asshole you just said a while ago" si Chelsea na rin ang nagsalita.
Lalong bumigat ang pakiramdam ko nang maisip ang nakita ko kanina. I really felt betrayed...
AYSSSHHH!
Jarrod is not true at all. Masakit din naman palang malaman na ang isang taong gustong-gusto mo ay may iba nang girlfriend. Ang masahol, manliligaw KUNO sya sa'yo, yun naman pala, he's already committed! Everything was a lie! Isang malaking pambobola! ANong plano nya?! Gagawin nya akong kabit?! Mabuti nalang at hindi ko sya nasagot! Ayokong maging kabit no! Sa ganda kong 'to?! TSE! Maging square na ang buwan, huwag lang akong maging third party!
BINABASA MO ANG
I love you Mr.Supladito
Teen FictionWhat?!Engaged na ako sa isang lalaking hindi ko pa kilala at nakikita?! At this very young age?! Ano 'to? PBB teenS?!!!