MULTO KUNO!

1K 21 2
                                    

10: 45 PM... 

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob nang room ko. Ayokong makaistorbo sa mga kasambahay naming natutulog na. 

EEKKK.... 

Binuksan ko na ang pinto. 

ANG DILIM! 

Bakit ang dilim???Palagi ko namang binibilin kina Manang Puring na hindi dapat pinapatay ang ilaw sa loob ng kwarto ko. Ayoko nang madilim! May phobia ako sa dilim! 

Waaaaahhhh! 

But I need to face my fear. So I step inside my room. Kailangan kong mahanap ang switch nang ilaw. 

KAPA... 

KAPA... 

KAPA... 

THERE IT IS! 

Akmang pipindutin ko na ang switch nang biglang may kumalabit sa balikat ko. 

Who the hell was that?! 

Halos lumuwa na ang eyeball ko sa kakadilat para makita kung sinuman o anuman ang kumalabit sa'kin pero wala parin akong makita! Everything is pitch black! 

MOMMY!!! 

Parang gusto ko nang magtatakbo sa labas at tumawag ng tulong sa mga kasambahay pero sigurado akong tulog na sila! 

HUHUHU! 

DEAR LORD, 

Alam ko naman na wala akong third eye at hindi mo ako binigyan nang ganoong gift. Hindi rin ako naniniwala sa mga multo pero please lang LORD...gawin mo sanang invisible sa paningin ang multong 'to kahit ako ang napili nyang takutin o hindi kaya kunin mo nalang sya para matahimik na sya...huhuhu... 

May kumalabit na naman sa'kin and this time...hindi na sa balikat ko dumapo ang daliri ng multo kuno...kundi sa "dibdib" ko! 

WAAAAAAAAHHhhh! 

May multo na palang manyakis?! Or should I say, meron palang multo na hindi nakakakita sa dilim?! 

Ahh... 

I smell something fishy! 

Kung sinuman ang taong ito na nagpapanggap na multo-malas nalang nya! Dahil hindi nya alam na may black belt ako sa Judo! Hah! 

CONCENTRATION... 

CONCENTRATION.. 

CONCENTRATION... 

Alam kong nasa malapit lang ang "multo"...eh kung bigyan ko kaya sya ng isang sipa? Matatamaan ko kaya sya....mhm....definitely! Sa haba ba naman ng legs ko sigurado akong sapul agad ang "multong" 'to sa mukha! 

Isa.... 

Dalawa... 

Tatlo... 

HAYAAAAAAAAAAAAA! 

BOGSH!! 

"Aw! What the---" sabi ng multo. 

Agad na binalikan ko ang switch at pinindot yun... 

Nagliwanag ang buong paligid.. 

I love you Mr.SupladitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon